Monday , December 23 2024

200K metric tons ng bigas walang import permit — BoC

IBINUNYAG ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner John “Sonny” Sevilla na umaabot sa 200,000 metriko tonelada ng bigas ang walang kaukulang import permits mula sa National Food Authority (NFA).

Ayon kay Sevilla, nangyari ang transaksyon noong nakaraang taon.

Inihayag ni Sevilla, dumating sa Port of Manila at Manila International Container Port ang 150,000 metric tons ng bigas na walang kaukulang permiso mula sa NFA.

Kaugnay nito, natukoy ng BoC na ang 75 percent sa mga ito ay na-import ng limang consignees na Bold Bidder Marketing and General Merchandise; Starcraft Trading Corporation; Intercontinental Grains; Medaglia De Oro Trading, at Silent Royalty Marketing.

Habang ang 50,000 metric tons ay mula sa ports ng Cebu, Davao, Cagayan de Oro at Mi-samis Oriental.

Kaugnay nito, kinompirma ni Sevilla na iniimbestigahan na nila ang examiners at appraisers ng BoC na nagpasok sa nasabing rice shipments kahit walang permit.

Naniniwala si Sevilla na may kasabwat mula sa BoC ang mga consignee kaya’t nakalusot ang tone-toneladang bigas.

Napag-alaman na ang nasabing shipments ng bigas ay walang record sa Tran-saction Audit Division na nakalagay ang entry files ng mga importasyon bago isumite sa Commission on Audit (CoA).

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *