Monday , December 23 2024

Honda CRV inabandona sa karinderya

INABANDONA ng tatlong hinihinalang karnaper ang isang Honda CRV sa tapat ng isang karinderya sa Paco, Maynila, kamakailan.

Sa ulat kay S/Insp. Rommel Evangelista Geneblazo, hepe ng Anti-Carnapping Investigation Section ng Manila Police District, dakong 5:00 a.m. nitong Pebrero 15, isang Ma. Christina Hovario, ng 1389 Canuza cor. Gernale streets, ang nakakita sa puting Honda CRV (REG-613) nasa harap ng kanyang karinderya.

Isang padyak boy ang nakakita sa tatlong hindi nakilalang lalaki ang nag-iwan sa nasabing sasakyan na agad tumakas sakay ng Isuzu Crosswind.

Nakita sa sa loob ng CRV ang isang driver’s license ng isang Reygie Tinampay Ong ng 156 A. Wayan St., Masambong, QC, mga resibo naka-address kay Ong, isang wallet may lamang calling cards, calculator, isang Nokia 3220 cellphone, isang Metrobank pass book nakapangalan sa Thrivent General Merchandising, dalawang handbag may lamang mga dokumento, isang stereo at spare tire.

Itinurn-over ang sasakyan sa MPD-ANCAR at isinailalim sa imbestigasyon.

(JASON BUAN)

KARNAPER TIMBOG

KALABOSO  ang hinihinalang karnaper, habang nakatakas ang hindi naki-lalang kasama ng suspek, sa ginawang operasyon ng pulisya sa Malate, Maynila, kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Melvin Sta. Maria, 44-anyos, ng 124 B4, Lt4, 1102 East Kamias, Quezon City.

Sa ulat kay S/Insp. Rommel Evangelista Geneblazo ng Anti-Carnapping Investigation ng MPD, dakong 12:00 ng hatinggabi, nagpapatrolya ang elemento ng ANCAR sa lugar ng Malate nang lapitan sila ng isang residente at sinabing may komosyon sa di kalayuan. Agad nagresponde ang pulisya at benerepika ang sumbong.

Pagdating ng pulisya sa panulukan ng Zobel Roxas at Concha, isang barangay tanod, si Danilo Santos ng Brgy. 757, Zone 52, ang nagreport sa nawawalang Isuzu owner-type jeep (TKC 868) pagmamay-ari ni Arnulfo Herrera Empleo, ng Blk 5, Lt. 43 Carville Homes, Tanza, Navotas City.

Nadakip ng mga elementeo ng ANCAR ang suspek na si Sta. Maria sa Jacobo St., dala ang kinarnap na jeep.

Narekober sa lugar ang isang Absolut Taxi (TWZ-533) , nakarehistro sa isang Clara Chua Talamayan, ng 43 Mapagsangguni St., Sikatuna Village, QC.

Humarap sa estasyon ng pulisya ang isang opisyal ng Absolut Taxi na si Jefferson Cotorze at kinompirmang nawala ang nasabing taxi noong Pebrero 17, habang nakaparada sa 101 Matahimik St., Brgy. Malaya, QC.

Sinampahan ng kasong carnapping ang suspek sa Manila Prosecutors Office para sa inquest.     (JASON BUAN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *