Friday , January 10 2025

DA, NFA puro pangako — KMP (Presyo ng bigas sumirit na sa P40)

022014_FRONT

Pangakong napapako at kabi-kabilang palusot ang inihahain ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa nagugutom na Filipino sa gitna ng pagkakatala ng bago  na  namang  pinakamataas  na presyo ng bigas sa kasaysayan ng bansa, sa pangalawang pagkakataon sa buwan na ito ng Pebrero.

Sa kabila ng paulit-ulit na pangakong sapat ang suplay ng bigas, ginagamit ngayon ng DA at NFA ang “konbinyenteng palusot” ng “artificial shortage at price mani-pulation” upang pagtakpan ang sumisirit nang presyo ng pangunahing pagkaing butil at maka-pag-angkat ang pamahalaan ng halos 1.4 milyon metrikong toneladang bigas sa kasalukuyang taon, pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP).

“Palagiang konbinyente palusot ‘yung sinasabing artificial shortage daw, wala namang mahuling malalaking hoarder,” ayon kay KMP national chairperson at dating Anakpawis party-list representative Rafael Mariano.

Kung ganoon umano ang tunay na kalagayan ng bansa, dapat ay magbuhos ang NFA ng bigas sa mga pamilihan upang maipluwensyahan ang presyo nito. Bagay na hindi magawa dahil “walang signipikanteng volume” na maikakalat, giit ni Mariano.

Nitong Pebrero 14, batay sa datos mula sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS), pumalo na ng P40.06 kada kilo ang well-milled rice sa palengke mula 39.94 sa unang linggo ng parehong buwan – kapwa pinkamatataas na presyo sa kasaysayan. Ito na rin ang ikatlong magkakasunod na taon na tumaas ang  presyo ng bigas sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon simula nang umakyat sa P34.73 noong 2011 mula P34.34 kada kilo noong 2010.

Isa sa mga dahilang itinuro ni Mariano ay ang hindi paggamit ng NFA ng “visitorial powers” upang tiyaking sapat nga ang suplay ng bigas sa mga bodega at upang maiwasan ang hoarding mula sa mga pamilihan.

“May poder silang mag-inspect kaya dapat regular na ginagawa ‘yan ng NFA … Inspeksyonin n’yo at kung mag-inspection, ‘yung buo. Hindi lang ‘yung harap ng bodega. Baka ipinakikita punong-puno ‘yung harap, hindi mo naman pinuntahan ‘yung tagiliran tsaka likuran,” giit ng dating mambabatas.

Maliban pa rito, kulang na kulang umano ang tulong ng pamahalaan sa sektor ng agrikultura habang napakalaki naman ng ginagastos sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng government-to-government transaction.

Ayon kay Mariano, gumastos ang NFA ng P14 bilyon sa inangkat na 205,700 metriko toneladang bigas noong 2013, $68 million o halos P3 bilyon para pa lamang sa shipment cost ng imported rice samantala hindi man lang makabili ng palay mula sa lokal na magsasaka ng higit sa P17 kada kilo.

“Matagal nang hinihingi na from P17 gawing P20, nang sa ganoon puwedeng makipagsabayan ang NFA sa local palay procurement,” daing niya. Samantala, baon daw sa utang ang magsasakang Pilipino. “Nakatayo pa lang ‘yung tanim niyang palay, nakaabang na ang usurero (nagpautang),” dagdag pa nito.

Ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS), tumaas noong mula 3.9 milyon noong Marso 2013 sa 4.9 milyon noong Hunyo 2013 ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa bansa.

Nauna nang iminungkahi ng ilang ekonomista na ipaubaya na lamang sa pribadong sektor ang pag-aangkat ng bigas upang hindi mabaon sa utang ang pamahalaan at makapaglagak ito ng karampatang suporta para sa agrikultura, lalo na’t paso na ang “special privilege” na ipinagkaloob ng World Trade Organization (WTO) sa bansa para makapagpatupad ng “quantitative restrictions” sa pag-aangkat ng bigas.

Sa pagdinig sa Senado patungkol sa isyu, maaalalang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ayon sa naunang opinyon ng kanyang ahensiya ay dapat igalang ang kasunduang pinasok ng Filipinas sa WTO.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *