SUPORTADO ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang sang-ayon sa Saligang Batas ang Cyber Libel na nakapaloob sa Cyber Crime Prevention Law.
Sa harap ito ng pangamba ng ilang online journalists, netizens, at bloggers na mahilig magkomento sa Twitter at Facebook, dahil pagsupil anila ito sa karapatan sa pamamahayag.
Sinabi ni Pangulong Aquino, hindi naman nito layuning sikilin ang karapatan sa pamamahayag kundi re-gulasyon ito upang maiwasan ang pag-abuso.
Ayon kay Pangulong Aquino, ang bawat karapatan ay may kaakibat na res-ponsibilidad bilang proteksi-yon sa karapatan ng iba.
Sinasabing unfair din ito sa taga-mainstream media na saklaw ng Libel Law ngunit may exemption sa hanay ng new media o online journalism.
(ROSE NOVENARIO)
IRR sa cybercrime law inihahanda ng DoJ
INIHAYAG ng Department of Justice (DoJ), ihahanda na nila ang ipalalabas na implementing rules and regulation (IRR) at procedure na kailangan ng mga enforcer para sa pag-iimbestiga sa cybercrime cases partikular na ang child pornography, trafficking, at financial fraud.
Ito’y matapos ideklara ng Supreme Court (SC) na “constitutional” ang karamihan sa probisyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sa hiwalay na pahayag ni Justice Assistant Secretary Geronimo Sy, pinuno ng DoJ Office of Cybercrime, agad uumpisahan ng ahensya kasama ang ilang stakeholders, ang pagbalangkas ng IRR.