Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Carla, nagmaldita na naman

ni Roldan Castro

UMANDAR na naman ang pasimpleng kamalditahan ni Carla Abellana sa press kaya nakatapat siya nang sagot-sagutin siya ng isang katoto sa presscon ng Third Eye na showing sa February 26.

Nagsimula siguro ‘yun sa tanong ng press kung  nagkakalabuan na ba sila ni Geoff Eigenmann? Wala kasi itong mai-share sa nangyari sa kanila noong Valentine’s Day nang tanungin ang cast ng Third Eye na kinabibilangan nina Ejay Falcon, Denise Laurel, Camille Prats, at Alex Medina.

Inamin naman ni Carla na hindi sila nag-celebrate noong araw ng mga puso at wala siyang natanggap kahit bulaklak o chocolates mula sa nobyo. Hindi raw nila nakasanayan ‘yung ganoon at matagal niyang tanggap na ganoon ang boyfriend niya.

Pero naloka ang kausap niyang movie writers nang sabihin niyang sa press lang galing ang balita na papunta na sa kasal ang relasyon nila ni Geoff. Idiniin naman na galing mismo kay Geoff ang isyung gusto na nitong magpakasal.

Lalong nairita sa kanya ang mga kausap niya dahil hindi naman daw magsasalita si Geoff ng tungkol sa kasal kung hindi ito tinatanong ng press.

So, kasalanan na naman ng press?

Kalorky din ang mga hirit ni Carla, ‘no?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …