Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angeline, nag-inarte sa concert nina Martin at Regine

MAKAILANG ulit na kaming nakaririnig ng reklamo patungkol kay Angeline Quinto ukol sa ‘di nito pamamansin, di makatanda o ‘di makakilala o mahirap kausap.

Pero ang pinaka-latest ay ang naganap sa Valentine’s concert nina Martin Nieverra at Regine Velasquez. Ayon sa kuwento, impromptu na pinakanta ni Martin ang kanilang mga celebrity audience tulad nina Sharon Cuneta with Kiko Pangilinin, Cong. Lucy Torres with Richard Gomez, Eric Santos, at ito ngang si Angeline.

Nagpa-unlak naman daw ang lahat maliban kay Angeline na nag-request pa ng Hanggang song. In fairness, kumanta naman daw, pero isang linya at kaagad pina-stop. Na-turn off ang ibang nakasaksi at ang dating ay tila nag-inarte ang singer.

Pinatanong namin ang pangyayaring ito sa manager ni Angeline na si Erickson Raymundo ng Cornerstone Talent Management Center at sinabi nitong hindi niya alam kung mayroon ngang ganoong pangyayari. Tatanungin niya raw si Angeline ukol dito. Pero ayon naman daw sa ilang mga kakilala niyang nanood ng show, hindi naman daw nag-inarte si Angeline.

Well…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …