WALA pang posisyon ang Malacañang sa isyu kng pahihintulutan na ang same-sex marriage sa Filipinas.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., hindi pa panahon para pag-usapan ang nasabing isyu.
“Wala po kaming posisyon at wala po kaming inisyatiba hinggil diyan,” aniya, idinagdag na kung mayroon mang inisyatibo, ito ay magmumula sa Kongreso.
“Kailangan po ng pagbabago ng batas at ‘yan po ay pangunahing responsibilidad ng ating mambabatas. Hihintayin na lang po natin kung sa paniwala ng ating mga kinatawan at mambabatas, ito ay makabubuti.”
Bunsod ng wedding proposal ng singer-actress na si Aiza Seguerra sa kasintahang si Liza Diño, nagkaroon ng inspirasyon ang LGBT sector na isulong ang same-sex marriage sa bansa.