Monday , December 23 2024

Pasahero sinalpok ng SUV 2 patay 3 sugatan (Truck, 2 jeep nadamay)

Dalawa ang kompirmadong patay sa karambola ng apat sasakyan sa C5-Eastwood, Quezon City, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang isa sa mga biktimang si Jamel Pacasum, taga- Cainta, Rizal, pababa na sana mula sa sinakyang jeep nang banggain ng Ford Escape.

Sa lakas ng pagkabangga, nahati ang katawan ni Pacasum habang namatay  rin si Ren Joseph Garcia, pasahero ng Ford Escape na noo’y nakaupo sa unahan ng sasakyan.

Sugatan ang driver ng Ford na si Jonathan Reyes na ginagamot na sa Medical City saTaguig at ang dalawa pa niyang kasamang sina Leonardo Miguel at Carlos Salazar.

Ayon kay QC Traffic Police Investigator PO3 Renato Sunga, nasugatan din ang hindi pa kilalang driver ng jeep na tumakas matapos ang insidente.

Nabatid na nasa ikalawang lane mula sa bangketa ang jeep at nagbababa ng mga pasahero nang banggain ito ng humaharurot na Ford Escape.

Dahil sa lakas ng pagkabangga, naitulak ng jeep ang dalawa pang nakahintong jeep habang isang trailer truck  ang sumabit ang gulong sa center island sa tangkang pag-iwas sa aksidente.

Sinasabing nanggaling sa “gimmick” ang mga sakay ng nakabanggang AUV.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *