ni Alex Brosas
DESPERADA ang fans ni Marian Something.Sa isa kasing Facebook fan page account ay ikinompara ang face ni Marianita sa Mahal na Birhen. The fan page account posted a photo of Marian and Virgin Mary with this caption: “Any resemblance?”Why is there a need to post that photo? Para ano, para palabasing kamukha ni Marian si Virgen Mary? Hindi ba pambabastos ang gayang uri ng comparison? Bakit kailangang gamitin ang Mahal na Birhen? Hindi ba kinilabutan ang fan page admin sa kanilang ginawa? Nakakaloka sila, ha.
Itong fans naman ni Marian, sige sa pagsasabing kamukha nga ng idol nila ang Mahal na Birhen.
Naku, ano ba itong supporters ni Marian, parang hindi nag-iisip. Parang wala silang sinasanto at si Virgin Mary ay ginagamit mapag-usapan lang ang kanilang idolo.
Bloggers are not writers!
A Marian defender came to the rescue of her idol, Ronnie Carrasco.
The feeling-magaling-na-blogger na wala namang alam kundi ipagtanggol ang kanyang idol dahil bayad yata siya ay talagang nakisawsaw sa issue.
Actually, correction lang ang kanyang ginawa sa nasulat mo, Ronnie. According to her, hindi sa taping ng non-rater soap ni Marianita nangyari ang interview kundi sa isang event where she was with Dingdong Dantes. They were giving cheers sa young cancer patients.
Ang nakakaloka, pinalalabas pa ng blogger na walang common sense ang TV reporter na nagtanong kung nagseselos ba si Dingdong kay Alden Richards na leading man niya sa kanyang soap.
Hindi yata niya naisip na may konek ang tanong para sa promotion ng soap ni Marian. Siya itong walang common sense.
Kung magtaray pa anghitad ay akala mo kung sino. Kung siya raw ang natanong niyon ay sasampalin niya ang nagtanong.
Well, walang magtatanong sa kanya dahil hindi naman siya celebrity. Isa pa, bayolente pala siyang tao.
Actually, kung matalino si Marian, hindi siya magtataray. She could have sweetly answered back na hindi nagseselos si Dingdong dahil super secure ito. ‘Yun lang, eh, ‘di sana hindi na nagkaroon pa ng issue.
A writer-friend once told us na BLOGGERS are not WRITERS.
We can only agree! At ang daming bloggers na fan lang feeling writer na. The nerve, ha! Kaya nga walang kumukuhang publications sa kanila, eh.
At hindi ba nakatatawa na puro pagtatanggol lang ang ginagawa ng isang blogger? Ano siya, bayad ang pagtatanggol?