Sunday , December 22 2024

Tulong-pinansyal sa Florida bus victims tiniyak

TINIYAK ng Palasyo na makatatanggap ng tulong pi-nansyal ang mga kaanak ng mga namatay sa naaksidenteng bus ng Florida Transport Corporation sa Mt. Province.

Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., batay sa pag-uusap nila ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB)  Chairman  Winston Ginez, P150,000 ang makukuha ng bawat naulilang pamilya mula sa Florida Transport at insurance company.

Suportado rin aniya ng Malacañang ang panukalang lagyan ng speed limiter, CCTV at GPS ang mga pampasherong bus upang maiwasan ang mga aksidente.

Walang kategorikal na sa-got si Coloma hinggil sa suhestiyon na gamitin ang bahagi ng bilyon-bilyong road users’ tax para sa road safety.

Ani Coloma, kailangan isangguni muna kay Public Works Secretary Rogelio Singson ang nasabing panukala dahil ang road users’ tax ay nasa pangangasiwa ng DPWH at sinisingil para sa kaligtasan ng mga impraestrukturang dinaraanan ng mga sasakyan.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *