Friday , November 22 2024

Groom-to-be utas sa holdaper

HINDI  na matutupad ng isang binata ang pangakong pakakasalan ang kanyang  girlfriend, matapos pagbabarilin ng apat na hindi nakilalang suspek, habang papasok sa kanyang trabaho sa Ma-labon City, kamakalawa ng umaga.

Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang kinilalang si Rafael Baclea-an, 29-anyos, ng Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos, sanhi ng apat na tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo.

Isang manhunt ope-ration ang isinasagawa ng mga awtoridad laban sa notoryus  lider ng mga holdaper na alyas Bonita Yaro, ng Tumana, Navotas City, at tatlo pang kasamahan na itinurong  sangkot sa krimen.

Sa ulat ng pulisya, dakong 6:00 ng umaga nang maganap ang insidente  malapit sa bahay ng biktima.
Papasok ang biktima sa kanyang trabaho, nag-aabang ng masasakyan nang palibutan ng apat na suspek sabay deklara ng holdap.
Ayon sa ilang nakakita sa pangyayari, naki-pagbuno ang biktima sa mga holdaper na ikinagalit ng mga suspek  dahilan upang pagbabarilin siya sa ulo.
(rommel sales)

Parak kritikal

KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang miyembro ng Navotas City Police matapos ratratin ng isa sa apat na armadong holdaper, nang rumesponde ang biktima sa holdapan  sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.

Nasa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si PO2 Francisco Camayo, Jr., 28-anyos, nakatalaga sa Police Community Precinct 5 (PCP-5) at residente  ng Tondo, Maynila, sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa kaliwang dibdib.

Sa ulat ni PO3 Edwin Guzman, may hawak ng kaso, dakong 4:30 ng madaling araw, nang maganap ang insidente sa Road 10, North Bay Boulevard South (NBBS).

Hindi pa nakalalapit ang pulis ay agad pinutukan at tinamaan sa dibdib  saka mabilis  na nagpulasan ang mga suspek.

(rommel sales)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *