MANIFESTO. Kapit-kamay, walang iwanan at taas-kamay na nagkaisa ang grupo ng Kapisa-nan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFI (KAMAGGFI) na binubuo ng 16 unyon ng mga manggagawa sa mga korporasyon ng gobyerno, sa ginanap na press conference sa National Press Club upang ipahayag ang manifesto ng mga hinaing at kahilingan kay Pangulong Benigno Aquino III para sa makatuwiran at makatarungang benepisyo na dati nang tinatangap ng mga kawani ng mga korporasyon sa pamahalaan. (BONG SON)
NAGPADALA ang Kapisanan ng mga Manggagawa sa GOCCs at GFI (KAMAGGFI) kay Pangulong Benigno Aquino III ng manipesto ng kanilang mga hinaing at kahilingan, kahapon.
Partikular nilang hiniling kay Pa-ngulong Aquino ang pag-apruba at madaliang pagpapatupad ng Compensation and Position Classification System (CPCS) na isinumite na sa tanggapan ng pangulo noong nakaraang taon, ayon sa Governance Commission on GOCCs (GCG)
Hinihiling din ng grupo na ang anila’y makatuwiran at makatarungang traditional benefits na dati nang tinatanggap ng mga kawani ng mga korporas-yon sa gobyerno, ay patuloy na ipagkaloob habang hindi pa naaaprubahan at naiimplementa ang CPCS.
Hiniling nila na paghinay-hinayin ang Commission on Audit (CoA) sa pagbibigay at pagpapalabas ng mga pahayag na hindi pa pinal at anila’y patuloy na sumisira sa imahe ng mga korporasyon sa gobyerno at mga emple-yado nito.
Anila, ang mga pahayag ng CoA ay tuluyang sisira sa mga negosyo ng mga korporasyon ng pamahalaan na umaasa lamang sa tiwala ng stakeholders, kasama na rito ang pagkakabansag sa mga empleyado bilang mga abusado at tiwaling kawani.
Nais din ng grupo na ipa-batid sa mamamayang Filipino na ang kanilang kinabibilangang korporasyon sa gobyerno ay hindi kumukuha ng pampasahod mula sa kaban ng bayan kundi sa sariling kita nito.
Umaasa silang mauunawaan ng mamamayan na ang mga korporasyon ay patuloy na nagbibigay ng pondo sa kaban ng pamahalaan, ayon sa itinakda ng batas.
Hiniling nila kay Pangulong Aquino, sa GCG, DBM at CoA na sa pagpapatupad ng mga pagbabago ng batas ay alamin din nila ang kapakanan ng mga manggagawa sa GOCCs.