Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama ng komedyante pinatay sa Quezon

NATAGPUANG patay ang ama ng komedyanteng si Jeffrey Tam sa Quezon province kamakalawa.

Si Alfredo Francisco Tam, 67, ay natagpuang wala nang buhay sa gilid ng kalsada sa boundary ng Tayabas City at Lucena City dakong 2:30 p.m.

Ayon sa Tayabas Police, ang bangkay ng biktima ay ibi-naba sa gilid ng kalsada ng dilaw na Isuzu Crosswind.

May natagpuan ang mga imbestigador na marka ng gulong sa kalsada, palatandaan na sinagasaan ang biktima ng nabanggit na sasakyan.

Ang nasabing sasakyan na pagmamay-ari ng biktima ay natagpuan sa Brgy. Mayao Crossing sa Lucena.

Sinabi ng pulisya na may mga talsik ng dugo ang loob ng sasakyan. Natagpuan din sa loob ng sasakyan ang heavy-duty wire cutter na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Umapela ang nakababatang Tam, na nagdadalamhati pa sa pagkamatay ng kanyang  kaibigang kapwa komed-yante na si Arvin “Tado” Jimenez, ng dasal para sa kanyang ama.

“Wala na po akong hinihiling kung hindi ipagdasal n’yo ang aking ama. Pilit kong sinasabi sa sarili ko, ‘Kung maga-ling kang madyikero, buhayin mo ang tatay mo.’ Hindi ko magawa, hindi ko po magawa,” pahayag ng umiiyak na si Tam. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …