NABALEWALA ang pitong oras na operasyon ng mga operatiba ng Pasay city police matapos ibasura ng piskalya ang mga kasong isinampa ng pulisya laban sa pitong miyembro ng tinaguriang “Termite Gang” na nagtangkang looban ang mga bahay-sanglaan sa pama-magitan ng pagdaan sa imburnal noong nakaraang linggo sa natu-rang siyudad .
Sa tatlong pahinang resolusyon ni Pasay City Assistant City Prosecutor Allan Mangabat, mahina ang naging basehan ng pulisya sa pagsasampa ng mga kasong attempted robbery, malicious mischief at alarm and scandal kaya’t iniutos ang pagpapalaya sa naares-tong mga suspek na sina Mark Campus, Florentino Manuel, Jr., magkapatid na Rodrigo at Rolando Yumul, Armando Leo-nardo Jr., Marlito Segura, at Marlon Zafe,
Ngunit iniutos ni Mangabat ang pagsasagawa ng preliminary investigation laban sa pito sa mga kasong attempted trespassing habang maaari pa rin isagawa ang preliminary investigation sa kasong malicious mischief kung sakali at maghahain ng reklamo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)
Sa resolusyon, ipinaliwanag ni Mangabat na wala pang patunay na nagtatangkang manloob ang mga suspek kaya’t hindi maaaring isampa ang kasong attempted robbery habang walang basehan ang kasong alarm and scandal dahil nasa loob ng imburnal ang mga kinakasuhan. (J. GARCIA)