Sunday , December 22 2024

AXN, Fox inasunto ng solon (Nakikialam sa lokal na telebisyon)

021214_FRONT

KASUNOD ng kanyang privilege speech sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa “tunay ng kalagayan ng cable television (CATV) sa Pilipinas” at ang “posibleng ilegal na pagpasok ng mga banyagang kompanya” sa nasabing industriya, naghabla ng magkakahiwalay na kaso si Kabataan partylist Rep. Terry Ridon sa Korte Suprema laban sa mga dambuhalang banyagang kompanyang AXN Network Philippines Inc., at Fox International Channels Philippines Corporation.

Sa kanyang privilege speech nitong Enero 27, ipinaliwanag ng mambabatas na kumikilos siya alinsunod sa impormasyong ang mga banyagang korporasyong AXN at Fox ay ilegal na pumapasok sa negosyo ng mass media at advertising sa pamamagitan ng sistemang CATV sa bansa.

Nitong Miyerkoles, pormal niyang idinulog ang usapan sa Korte Suprema sa pamamagitan ng magkakahiwalay na kaso: G.R. No. 210885 laban sa AXN at G.R. No. 210886 laban naman sa Fox.

“Ang direkta at hindi inaayunan ng batas na kompetisyon laban sa mga lokal na korporasyon na may katulad na negosyo ay nagdudulot ng panganib sa mga industriyang pinoprotektahan ng ating Konstitusyon sampu ng mga libong empleyadong namamasukan dito,” pahayag ng mambabatas na naglalayong patigilin ang pagpasok ng mga banyagang korporasyon sa mga industriyang nationalized at protected.

Ayon sa representante, “nililimitahan ng Konstitusyon ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media para sa mga Filipino lamang, o sa mga korporasyon, kooperatiba, at asosasyong pagmamay-ari at pinamamahalaan sa kabubuan n ito.”

Ayon sa mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), ang foreign shares sa pagmamay-ari ng Fox at AXN ay umaabot ng 99.99 porsyento. Kapwa pumapasok ang mga nasabing kompanya sa mass media sa pamamagitn ng programming content sa CATV operators sa buong bansa.

“Sa ilalim ng kanilang kasalukuyang estruktura ng pagmamay-ari, ang mga korporasyong ito ay hindi dapat nanghihimasok sa mass media sa pamamagitan ng pagbibigay ng programming content. Hindi rin sila dapat nagnenegosyo sa advertising ayon na rin sa mga limitasyong isinasabatas ng 1987 Constitution at iba pang mga batas patungkol sa pamamahala sa industriya ng mass media,” paliwanag ni Ridon.

Kapwa umano nagnenegosyo sa advertising ang dalawa sa pagpasok sa sponsorship at advertising contract sa iba’t ibang mga kliyente.

“Ang mga korporasyong ito umano ay ilegal na nagsasagawa ng mga gawaing advertising. Pumapasok sila sa mga advertising contract. Parang legal, hanggang madiskubreng pag-aari pala ng mga dayuhan,” giit niya.

Ayon sa Foreign Investments Act Negative List, ang mass media industry ay hindi maaaring magkaroon ng foreign equity samantala ang advertising industry naman ay maaari lamang magkaroon hanggang 30 porsyentong foreign equity. Sa parehong pamantayan, nilalabag ng Fox at AXN ang mga batas ng bansa, paliwanang ni Ridon.

“Mga Filipino lamang o mga korporasyon at asosasyong may 70 per cent o mas mataas na kapital mula sa mga Filipino ang maaaring pumasok sa industriya ng advertising,” ayon sa mambabatas.

“Ang kabiguan ng pamahalaang i-regula ang mga aktibidad ng mga korporasyong ito ay nagbigay-daan sa kanilang pakikipagkompetensya sa mga legal na korporasyong lokal. Hindi man ito iniinda ng malalaking cable operator, dama naman ito ng daan-daang malilit na local cable TV operator at kanilang mga advertiser.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *