ISINUGOD sa pagamutan ang 13-anyos estud-yante sa Antique na sasabak sana sa Regional Athletic Meet ng Department of Education (DepEd), matapos tamaan ng suntok sa ulo habang naghahanda sa lalahukang palaro na boksing.
Ayon sa ulat, naki-kipag-sparring ang mag-aaral bilang paghahanda sa kompetisyon sa Linggo.
Ngunit tinamaan ang kaliwang bahagi ng ulo ng mag-aaral kaya siya nahilo at sumuka.
Agad isinugod sa ospital ang bata at ngayon ay sinasabing mabuti na ang lagay.
Ayon sa division sports coordinator ng DepEd-Antique, aksidente ang nangyari at nagbigay na rin sila ng tulong para sa pagpapagamot ng biktima.
Nitong nakaraang Disyembre, pumanaw matapos ma-comatose ang 16-anyos na si Jonas Joshua Garcia, fourth year high school student mula sa San Miguel, Bulacan, na sumabak sa boksing sa palarong inorganisa ng DepEd-Zambales.
Tutol ang boxing sector sa ginagawa ng DepEd dahil mahigpit umanong sinasabi sa batas na dapat ay lisensiyadong boxing trainer ang dapat magsanay sa mga athlete.