PATULOY ang opensiba ng operating troops ng 64th Infantry Battalion sa Sumisip, Basilan laban sa armadong grupo na pinamumunuan ng isang Kotatong Balaman, kilalang lider ng lawless elements na nag-o-operate sa nasabing probinsya.
Ito’y matapos makasagupa nitong Biyernes ng mga sundalong Army ang nasabing grupo sa Sitio Buhi, Brgy. Sukatin, Sumisip.
Ayon kay 1st Infantry Tabak Division spokesperson Capt. Jefferson Mamauag, sa nasabing labanan dalawa ang naiulat na namatay sa panig ng gobyerno na mga miyembro ng Civilian Active Auxiliary (CAA) na kinilalang sina CAA Duminta Gulinda at CVO Bejo Sampang.
Nakapagtala rin ang militar ng tatlong sugatan sa panig ng gobyerno habang dalawa sa panig ng rebeldeng grupo.
Sa kabilang dako, iniyahag ni 64th IB Commanding Officer Ltc. Leandro Dacumos, ang nasabing enkwentro ay resulta sa ibinigay na impormasyon ng ilang concerned citizens sa lugar hinggil sa presensya ng grupo ni Balaman sa Water system project sa lugar at binantaan ang mga manggagawa ng nasabing proyekto.