Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fortun spokesperon ni Cedric Lee, Manalo nagbitiw sa kaso ni Vhong

Nilinaw ni Atty. Raymond Fortun na tagapagsalita lang siya ni Cedric Lee.

Si Cedric Lee ang itinuturong pinuno ng grupong nambugbog sa aktor /TV host na si Vhong Navarro at kaibigan nito ang model na si Deniece Cornejo na sinasabing tinangkang gahasain ni Navarro.

“Spokesman lang po ako. Malinaw po ‘yan dun sa aming usapin ni Cedric na ‘yung mga abogado niya ngayon sila pa rin ang tatayong representante sa husgado sa lahat ng inihuhusga laban sa kaniya,” sabi ni Fortun.

Ani Fortun, naniniwala siya sa isinalaysay sa kaniya ni Lee at nakiusap sa publiko na hintayin na lang ang counter affidavit na isusumite ng kampo ni Lee at Cornejo sa preliminary investigation sa Pebrero 14.

Samantala, binitiwan  na ni Atty. Dennis Manalo ang kaso ng actor/ TV host na si Vhong Navarro.

Sinabi ni Manalo, nakipagkasundo siya sa iba pang mga abogado ni Navarro na bibitiw na siya sa kaso dahil  sa bigat ng iba pang mga kasong hinahawakan niya sa ngayon.

“Hindi na po ako magiging involved totally. I have already given my share in the investigative process. Nakalatag na ‘yung ebidensiya and as far as the case is concern the matter will already go through formal process of the preliminary investigation,” paliwanag ng abogado.

Isa sa mga tumata-yong abogado ni Navarro ay si Alma Mallonga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …