Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Deniece, ‘di suportado ng pamilya? (Sa paghahanap ng hustisya)

ni  Ronnie Carrasco III

INSTEAD of finding the missing link to the puzzle ay mas maraming tanong tuloy ang umaalingawngaw sa chance of a lifetime pa manding ibinigay kay Deniece Cornejo in her live guesting on Startalk nitong February 2.

We earlier wrote na sa inyong lingkod in-assign ang kuwentong kinakapalooban ng mga pangunahing tauhang sina Vhong Navarro, Cedric Lee, at Deniece. That Sunday episode yielded five parts para mailatag ng programa ang istorya, ‘ika nga, from the sequence (of events) to the consequence (nasa legal aspect na ang usapin).

Admittedly, it was a tough task na sa kalagitnaan ng aming pagsusulat para maging balanse sa dalawang panig ang kuwento, we almost gave up on the job. Oo nga’t may side si Vhong through his lawyer Atty. Dennis Manalo, but that was just about it.

Deniece went live, so did her lead counsel na bagamat nakapanayam via phone patch enjoyed his how many minutes of airtime for the side of their story.

Buti na lang, kahit mas mahaba ang exposure in favour of Deniece, the viewers believed that all she confessed was a bucketful of falsehoods.  Na para lang mabaling sa kanya ang public sympathy—or so she thought—she caused a tsunami of copious tears herself!

Ayon na rin sa kanya, siya ang biktima rito. Siya ang rape victim, at si Vhong ang rapist.

Correct us if we’re totally misguided, pero sinumang babae whose rights are violated tulad ng panggagahasa o pangmomolestiya sa kanya ay sino ba ang kauna-unahang taong sasaklolo sa kanyang kalagayan? Hindi ba’t mga magulang niya? And the rest of her family members?

According to Deniece, her dad—much as he would like to come home to her rescue—is in the US. Ang basic question sa tatay: ginahasa ang anak mo, hindi ka uuwi? Fine, Deniece has advised her father na huwag nang umuwi, pero magulang ka, you know what’s best for your child who was “raped.”

Ang balita, nasa Antipolo lang daw ang kanyang ina. If so, Antipolo is not a far-flung place para magbigay man lang ng words of support ang kanyang ina. Pero nang puntahan ang nasabing Rizal town na ‘yon, wala na pala roon ang pamilya ni Deniece.

Even then, nasaan mang lupalop ang ina ni Deniece, shouldn’t she have come out in defense of her “rape victim”-daughter? Pati ba kanyang ina, Deniece wants out of this whole mess?

Still in her Startalk guesting, Deniece made reference to an unnamed younger sibling. Aniya, kapag mali raw ang kanyang kapatid ay hindi niya ito kinukunsinti.

Wala na si daddy, wala rin si mommy, maanong isa man lang sa mga kapatid ni Deniece ay lumantad para ipagtanggol ang sisterakang “ginahasa”?

Instead, ang lolo niyang si Ginoong Rod Cornejo (dating ehekutibo ng GMA) ang lumantad, arranging his granddaughter’s guesting. Take note, lolo ‘yon ni Deniece, obviously sa kanyang father side; lolo na ewan kung na-establish kung granddaughter o puwede ring grandniece si Deniece.

But what we were most sure about in terms of “grand,” Deniece’s exposure was a grand display of her version of the story that the entire nation did not take hook, line and sinker…as in nang bonggang-bongga!

Here’s hoping that the public gets a clearer picture kung sino nga ba si Deniece Cornejo aside from her certified showbiz looks.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …