Saturday , November 23 2024

Rapist ng sariling ina, nagbigti (‘Di pinansin ng pulis nang sumuko)

LEGAZPI CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang lalaki habang nakabitin sa puno ng ipil-ipil sa lungsod ng Tabaco.

Kinilala ang biktimang si Rommel Bizen, residente ng Purok 3, Brgy. Sto. Cristo, nasabing lungsod.

Dakong 8 a.m. nang matagpuan kahapon ang bangkay ni Bizen na nakabitin gamit ang straw sa puno. Inaalam pa ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente habang hindi inaalis ang posibilidad na suicide ang nangyari.

Sa kabila nito, naniniwala si Barangay Captain Roderick Martires na nagpakamatay ang biktima dahil nagtangka na siyang magbigti kamakalawa ng gabi ngunit napigilan ng kanyang mga kapamilya.

Sa impormasyon, pumunta ang biktima sa Tabaco City Police Station at sinabing ginahasa niya ang kanyang ina.

Ngunit hindi siya pinansin ng mga pulis at pinauwi na lamang sa kanilang bahay dahil wala naman anilang nagrereklamo laban sa kanya.

Napag-alaman, noong nakaraang Sabado inilibing ang ina ng biktima nang mamatay dahil sa atake sa puso.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *