Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolo bilib sa apo

MATAPOS ang matagal na pananahimik, lumutang at nagsalita na ang isa sa mga kamag-anak ni Deniece Cornejo, ang kanyang lolo Rod Cornejo.

Sa eksklusibong pagharap sa “Buzz ng Bayan” ni Rodrigo Cornejo, isang college professor at dating mataas na empleyado ng GMA Network, idinipensa niya ang apong si Deniece mula sa mga bumabatikos dito.

Aniya, masyadong  nasasaktan ang pamilya Cornejo sa mga negatibong komentong ibinabato kay Deniece.

“Siya ang biktima e at nakikita ko na helpless, magmula nang lumaki ‘tong isyu na ‘to, wala akong nakitang magandang sinabi tungkol sa kanya,” sabi ng propesor.

“She’s a lovely person, not because she is my grandniece but because she has a good heart.”

Dagdag ng matandang Cornejo, determinado si Deniece at nagsusumikap na umunlad gamit ang kanyang sariling kakayahan.

Wala rin anyang balak sumikat ang kanyang apo bagkus gusto nitong maging abogado.

Sinagot din ng matandang Cornejo kung bakit natagalan bago humarap ang pamilya ng modelo upang siya’y ipagtanggol.

“Ang kanyang ama, nasa abroad, yung kanyang mother at kanyang lola, Deniece is worried ayaw niyang mapahamak sila,” paliwanag ni Cornejo.

Pagsisiwalat pa nito, tinanong niya ang apo kung may relasyon sila ni Cedric Lee na pangunahing itinuturong suspek sa pambubugbog kay Vhong.

“I looked at her in the eye [sabi ko] ‘may relasyon kayo [ni Cedric]’? sabi niya ‘wala’.”

Maging ang alegasyong panggagahasa na ibinabato ng kanyang apo laban kay Vhong, kinumpirma rin niya mismo kay Deniece.

“[Sabi ko] ‘yung charge mo totoo ba yun’ sabi niya, ‘yes lolo’ and I chose to believe her,” ani Cornejo.

Kumbinsido rin ang matandang Cornejo na pinagtangkaang gahasain ni Vhong ang kanyang apo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …