HINILING ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Sandiganbayan na irekonsidera ang desisyon na nagdedeklarang ang mga alahas na naiwan ng Marcoses sa Malacañang noong 1986 ay ill-gotten, idiniing hindi kasama ang mga ito sa government suit para marekober ang Marcos assets.
“Petitioner’s Pre-trial Brief mentions only the Swiss accounts and treasury notes, worth $25 million and $5 million. If jurisprudence is therefore made to apply,…the petitioner waived its action to forfeit the Malacañang jewelry when it failed to mention the same,”pahayag ni Marcos, co-executor ng mga ari-arian ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, sa pamamagitan ng kanyang abogado.
Sinabi ni Marcos, “irrelevant” ang pag-amin ni dating first lady Imelda Marcos, ngayon ay miyembro ng House of Representatives, na siya ang may-ari ng Malacañang collection, dahil sa pagkabigo ng gobyerno na isama ang mga ito sa kanilang binabawi.