Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Substandard products sa konstruksyon kalat sa merkado

NANAWAGAN kahapon ang mga tagagawa ng materyales sa konstruksyion na higpitan ng Department of Trade and Industry (DTI)  ang monitoring sa mabababang uri ng yero, alambre, at bakal  na nagkalat ngayon sa merkado.

Ayon sa kanila, ang mahihirap ang madalas mabiktima ng substandard products dahil mura ang mga ito pero lumalabas na higit na mahal dahil madalingmasira  at  kailangan muling bumili.

Ayon kay Elmer Ngo, presidente ng Mileage Asia Corp., tagagawa ng Cherry Lume roofing at Sumo GI sheet, maraming naglipanang substandard products sa merkado dahil sa mataas na insidente ng smuggling ng mga ito.

Maging ang hardware stores ay dapat busisiin ang kalidad ng kanilang mga itinitinda para pangalagaan ang kanilang mamimili, aniya.

“Dapat maging puspusan ang kampanya laban sa substandard products para ‘di madaya ang ating mga kababayan,” sabi ni Ngo.

Maging ang Puyat Steel ay umayuda sa panawagan ng mahigpit na pagbabantay sa marurupok na materyales.

Dinadagsa ng mga reklamo ngayon ang sektor ng konstruksyon dahil sa pagkalat ng mabababang uri ng materyales kung kaya hinihiling ng mga tagagawa nito na agad masugpo ang pagpupuslit ng  mga substandard products sa bansa.

Upang makasiguro sa tamang kalidad, iminungkahi nila na hanapin ng mga mamimili ang tatak ng inspeksiyon na nagpapatunay na ang materyales ay dumaan sa standard requirements o quality control ng DTI, sabi ni Ngo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …