Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gapos gang timbog sa Maynila

KALABOSO sa isinagawang follow-up operation ng Manila Police District Sampaloc station (PS 4) ang isang miyembro ng Gapos Gang na nanloob sa isang pamilya sa Sampaloc, Maynila, iniulat kahapon.

Nanawagan ang hepe ng Sampaloc Police na si Supt. Christian dela Cruz, sa ibang nabiktima ng grupo na magsadya sa kanilang tanggapan para kilalanin at maidagdag sa asunto ng suspek na kinilalang si Ernesto Perez.

Ayon sa isang biktima, nagpatago sa pangalang Doktora Cindy, nagpalinis ng ngipin si Perez sa kanyang clinic sa Piy Margal kanto ng Dos Castillas noong Lunes, pero pagkatapos ay naglabas ng baril at tinutukan ang doktora, iginapos at pinagnakawan.

Hindi pa nakontento, tinext ni Perez ang biktimang doktora kahapon at humingi ng P50,000 kapalit ng kaligtasan.

Tinakot siya ng suspek na kung hindi magbibigay ay babalikan siya pati ang kanyang pamilya. Agad nagkasa ng operasyon ang pulisya kaya naaresto ang suspek nang abutan ng pera ng doktora.

Narekober kay Perez ang marked money at iba pang gamit, pero todo-tanggi sa krimen.

Samantala,  kinilala ang nasabing suspek ng dalawang biktima  na sina Clarita Zamora at Maribel Zamora, kapwa residente sa A.H. Lacson St., na pinasok ng mga suspek.

(leonard basilio/Jason Buan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …