Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, gulat na gulat na makakasama si Coco sa isang teleserye (Goodbye na muna kay Julia…)

ni  Reggee Bonoan

FINALLY, magsasama sa Ikaw Lamang ang tinaguriang Hari ng Teleserye at Prinsesa ng Primetime na sina Coco Martin at Kim Chiu.

Hindi halos makapaniwala ang aktres na makakasama niya ang aktor dahil matagal na niyang naririnig na magsasama sila pero hindi naman natutuloy kasi nga hindi naman nababakante ng project ang dalawa.

Noon pa raw plinano ng ABS-CBN management na pagsamahin sina Coco at Kim at hindi lang matuloy-tuloy dahil nga pareho silang busy sa kanilang mga project at noong pumwede na ay biglang nagka-pelikula naman ang aktres, ang Bride For Rent kaya isinantabi muna ito.

At ngayong parehong libre na sina Coco at Kim ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Dreamscape at kaagad ng sinabing nakakasa na ang period seryeng Ikaw Lamang mula sa direksiyon ni Malu Sevilla.

Base sa pagtatanong namin ay anak mayaman si Kim at ang mga magulang niya ay may-ari ng pinakamalaking tubuhan sa Negros at isa si Coco sa trabahador nila kasama ang magulang nito.

Anyway, iisa ang tanong ng lahat, bagay daw ba sina Coco at Kim bilang love team, ang sagot namin sa nagtanong, ‘Dreamscape Entertainment can move mountains’.

Sinong mag-aakalang bagay pala sina Coco at Julia Montes na kung tutuusin ay malaki ang agwat ng edad ng aktor sa dalaga?  Heto nga at nagkagustuhan pa ‘di ba?  Hindi lang namin alam kung bakit hindi sila nagtagal.

At heto, na-in love rin si Angeline Quinto kay Coco na hindi namin mawari kung naging sila kasi base sa tsikang narinig namin ay sobrang nagselos ang dalagang singer kay Julia, tama ba Coco ?

Kaya hintayin natin kung ano ring mangyayari kina Coco at Kim ‘pag nagso-shoot na sila ng Ikaw Lamang.

Knowing Coco, alam niya ang kiliti ng babae kaya ang tanong, handa na ba si Kim na magkaroon finally ng boyfriend?  Alam naman nating lahat na single ang dalaga, ‘di ba ateng Maricris?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …