Monday , July 28 2025

Vhong Navarro, misteryoso ang pagkakabugbog!

About the author

Nonie V. Nicasio
NAKAGUGULAT ang balitang nabugbog si Vhong Navarro, pero mas nakagugulat ang kasunod na balitang nagtangka raw mang-rape ang isa sa hosts ng It’s Showtime. Maganda kasi ang reputasyon ni Vhong at sa ilang instance na na-meet ko siya, mabait at sobrang accommodating siya sa entertainment press.

Maraming katanungan im-bes na kasagutan ang hatid ng balitang nagtangka raw mang-rape si Vhong ng 22-year old estudyante kaya siya nabugbog nang todo, ayon daw ito sa police blotter sa Southern Police District sa Bonifacio Global City.

Unang-una, dapat tanungin ang mga pulis, paano nakapirma pa si Vhong sa police blotter kung bugbog-sarado na siya? Baka nga unconscious na si Vhong matapos bugbugin, kaya paano pa siya makapipirma?

Ikalawa, seryosong kaso ang attempted rape, so, bakit sasabihin ng complainant na hindi na siya magsasampa ng kaso? Malabo ito kung totoong may pagtatangkang mang-rape ni Vhong, basta-basta na lang ba napapatawad ang ganoong offense?

Ikatlo, hindi kapani-paniwala na si Vhong ay magtatangkang mang-rape dahil ang mga babae pa mismo ang humahabol sa komedyante. Sisirain ba niya ang kanyang pangalan at career dahil lang sa nasabing babae? At bakit hindi inilagay ang pangalan ng babae sa blotter, 22 years old na iyan, hindi menor de edad kaya nakapagtataka ang ginawa ng mga pulis.

Isa pang nakapagtataka, bakit si Vhong ang nakapirma sa police blotter imbes na ang complainant?

Dapat busisiing mabuti ang insidenteng ito dahil masyadong misteryoso  ang mga alegas-yon ng alleged victim. Ang nakikita ko kasi, bugbog sarado si Vhong kaya siya ang agrabyado rito.

Kung aanalisahin, base sa pahayag ng guwardiya ng condo, inabisuhan daw sila ng babaeng nag-imbita kay Vhong na darating siya bandang 10 pm sa kanyang condo, pati na ang da-lawang kaibigan ng babae. Idagdag pa rito ang katanungan na, paano nakapasok sa condo ‘yung dalawang friends ng babae, dahil talagang iniwang bukas ang pinto? Kaya mapapaisip ka talaga na malamang ay na-set-up dito si Vhong.

Hopefully, ang lahat  ay hindi mauwi sa network war, base kasi sa nakikita ko  ngayon, may mga fan at ilang personalidad na maka-GMA-7 ang binabanatan si Vhong at ang maka-ABS CBN naman ay ipinagtatanggol ang magaling na komedyante.  Ang  dapat sana, ipagdasal natin na maka-recover na si Vhong very soon at lumabas na ang katotohanan sa insidenteng ito.

Tyrone Oneza, and Balladeer ng Masa

NAPAKINGGAN ko ang ka-buuan ng album ni Tyrone Oneza na pinamagatang Dito Sa ‘King Piling at ang masasabi ko, kung may feel good movie, ito ay isang feel good album. Nakare-relax ka-sing pakinggan ang mga kanta rito at gaya ng sinabi ko noon, obvious ang tatak ni Vehnee Saturno sa album na ito ni Tyrone.

Ang carrier single ng album na Dito sa ‘King Piling at ang bonus track na Christmas song titled Ikaw Ang Christmas Ko ay parehong kom-posiyon ni Vehnee.

Tatlo ang revivals dito, ang Kahit Konting Pagtingin na originally ay kinanta ni Ric Seg-retto, Nanghihinayang ng grupong Jeremiah at Kindred Garden’s Pangako. Actually, apat dapat ang revivals dito dahil originally, ang kantang Sinta ng Aegis ay dapat na kabilang sa album ni Tyrone na duet dapat sila ng discovery niya from Barcelona na si Martina Ona. Pero inaayos pa ito ni Ms. Jackie Catienza, ang manager ni Tyrone na siyang producer din ng album, bukod sa pagiging producer ng iba’t ibang concerts sa abroad.

Anyway, ang maganda sa album, lahat ng kanta rito ay may minus one, kaya sa mga mahihi-lig mag-sing-along, lalo silang mag-e-enjoy sa album ni Tyrone.

Ang mga kanta rito na karamihan ay love songs ay bagay sa boses ni Tyrone. Pagkatapos kong pakinggan ang album, na-feel kong swak na swak sa lahat lalo sa masa ang album ni Tyrone kaya dahil dito puwede siyang bansagang ang Balladeer ng Masa.

No wonder, nang napakinggan ng producer ng album na si Ms. Jackie ang mga kanta ni Tyrone ay napaiyak ang lady   executive dahil nasapol daw nang husto ng songs ni Tyrone ang kanyang puso.

Abangan si Tyrone, guest siya sa Tramway Resto and Bar sa Timog, QC on January 29.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kylie Verzosa villa Italy

Kylie Verzosa bumili ng villa sa Italy

MATABILni John Fontanilla BONGGA ang aktres at dating Miss International, Kylie Verzosa dahil nakabili ito ng mamahaling villa …

Mika Salamanca Will Ashley soup kitchen

Will at Mika kasamang namahagi ng pagkain sa QC at Marikina

I-FLEXni Jun Nardo TUMULONG ang ilang Kapuso stars sa pamamahagi ng pagkain sa kasagsagan ng bagyong Crising. …

Maine Mendoza Miles Ocampo

Miles at Maine kapwa present sa Eat Bulaga! hiwalay nga lang ng segment 

I-FLEXni Jun Nardo TULOY ang dalawang noontime shows kahapon, Huwebes, na live kahit na nga …

Alice Dixson

Alice bagets pa rin ang hitsura kahit 56 na  

MATABILni John Fontanilla SA edad 56, maraming netizens ang namamangha sa mala-bagets na hitsura ng …

Cecille Bravo Humanitarian Award Johnny Litton

Philanthropist-Celebrity Businesswoman Cecille Bravo ginawaran ng Humanitarian Award sa 3rd Johnny Litton

MATABILni John Fontanilla NAPA-WOW ang lahat sa ganda ng kasuotan at headress ng Philanthropist at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *