ANYTIME, puwede nang pakasalan ni Vice Gov. Jolo Revilla si Jodi Sta. Maria dahil may blessings na sina Sen. Bong Revilla, Jr. at Cong. Lani Mercado. Isa pa annulled na ang kasal ni Jodi kay Pampi Lacson. Tanggap ng dalawa ang mga anak nila sa unang naging syota nila.
Matutuloy na rin ang privilege speech ni Bong sa Senado kaugnay ng Pork Barrel Scam ngayong araw, Enero 20. Inaabangan ito ng masa dahil nakapagsalita na sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile.
Year of the Horse pala ipinanganak si Sen. Bong kaya inaakala niya na suwerte ang dulot ng 2014 para sa kanya. Good luck Sen. Bong!
Claudine, laos na kaya nag-iingay?!
NAKAKALOKA na talaga si Claudine Barretto. Dahil birthday ng nanay nilang si Inday Barretto, nagparating na siyang babatiin na sina Gretchen Barretto at Raymart Santiago para peaceful na ang lahat.
Pero takang-taka rito si Gretchen at hindi pa siya kumbinsido. Si Raymart naman ay nagsabing, ”To see is to believe”. Hanggang hindi raw ito ginagawa ni Claudine, hindi pa siya maniniwala.
Kung pakulo-papansin lang ito ni Claudine dahil palaos na siya, mukha namang nagtatagumpay siya dahil apektado ang mga kagalit niya!
Kasalang John at Isabel, ‘di pa matutuloy
NAGTATAKA si John Prats kung paano kumalat ang balitang magpapakasal na raw sila ni Isabel Oli.
“Nasa plano’ yan pero hindi pa ngayon,” diin niya.
Oo nga naman, magpapataba pa nang husto si John!
Roland Lerum