Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, ‘di sinasadya at ayaw magpaka-ipokrita! (Sa pagsasabing mahal pa si Luis…)

KINAGAT ng publiko ang pasabog ni Angel Locsin na mahal pa rin niya ang ex-boyfriend na si Luis Manzano. Pasok sa banga dahil sabit na rin sa publicity ng bagong serye ni Angel sa Dos, ang The Legal Wife.

Magaling daw tumiming si Angel na gumawa ng isyu at mapag-usapan kung kailan malapit nang ipalabas ang soap niya.

Bagamat nagpapakatotoo si Angel, may mga nagsasabi na unfair naman sa huling nobyo niya na si Phil Younghusband. Sa ilang taon na magkarelasyon sila, nasa puso pa rin pala niya si Luis.

Nagkakaroon tuloy ng espekulasyon na baka matagal nang nagkikita ulit, nag-uusap, at nagkakamabutihan umano sina Angel at Luis. Nagkataon kasi na halos magkasunod lang na nakipaghiwalay si Luis kay Jennylyn Mercado at si Angel naman kay Phil. Baka may mas malalim pang relasyon na aaminin umano ang dalawa sa mga susunod na araw.

Ano ba ‘yan, may konek-konek na?

Ang running joke pa ngayon ay si Jennylynd raw ang susunod na kontrobersyal. Tiyak na itatanong sa kanya sa presscon ng serye niya ang pahayag ni Angel sa ex-boyfriend niya.

Mas patok pa raw si Jen kung ang deklarasyon naman niya ay mahal pa rin niya si Mark Herras na balik-tambalan sila. Ha!ha!ha! Talbog!

Speaking of Angel, itinanggi naman niya na publicity slant ng bago niyang serye ang pagmamahal niya kay Luis. Mas mga nagugulat, nagtataka, nawiwindang, naloloka na after four years…’yan ngayon ang dialogue ni Angel.

Sinasabi niya ngayon na hindi niya sinasadya na masabi ‘yun at ayaw niyang magpakaipokrita. Hindi naman daw kailangang itago ang nararamdaman kung ‘yun pa rin ang feelings niya.

Buong ningning din niyang sinasabi ngayon na hindi gimik ‘yun para sa bago niyang show. Hindi raw siya nanloloko ng tao at never daw n’yang ginawa sa career niya ang gumimik.

Boom!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …