KALOKA itong si Angel Locsin. Ang tanda-tanda na gumigimik pa.
No one, it seems, is buying her latest statement na mahal pa niya si Luis Manzano.
Bakit?
So, all the while na dyowa mo si Phil Younghusband ay nagpapanggap ka lang pala dahil si Luis pa rin ang mahal mo?
Kaloka itong si Angel, ha. Magkaroon lang ng sound bites for her new teleserye ay kung ano-anong gimik ang pinagsasabi.
Bukod sa star-studed na!
PALARONG PAMBANSA, GINASTUSAN NI GOV. ER
LAGUNA Governor ER Ejercito is making this year’s Palarong Pambansa a star-studded event.
“We already talked to Manny Pacquiao, James Yap and the Teng brothers (Jeric and Jeron) for the opening ceremony,” sabi ni Governor Ejercito sa memorandum of agreement signing with the Department of Education.
“They will run one lap across the field before lighting up the torch. So maraming bago rito sa Palarong Pambansa. Pinagaganda namin ito dahil hindi ito pinapansin kaya pinasisikat natin para magaya ng ibang governors, mayors and congressmen next year.”
Talagang ginastusan ni Gov. ER ang Laguna Sports Complex na siyang venue ng Palarong Pambansa.
“Since I became a governor in 2010 and being a former athlete of La Salle Greenhills and UP Diliman ay alam ko ang kategorya ng ating atleta at iba’t ibang larangan ng paligsahan. Magmula ng ako’y maging governor at hanggang sa ngayon, kami ni Mayor Maita Ejercito ay naging host ng sports tournaments and events gaya ng NCAA, Philippine National Games, Batang Pinoy, unity games ng Iglesia ni Cristo. Kung itong mga palarong ito ay na-host ko nang maayos ay hindi na po bago itong Palarong Pambansa na ‘di hamak na mas malaki pero sa palagay ko ay kakayanin namin.
“With a budget of P70 million and 19 hectares na Laguna Sports Complex ay handang-handa na po tayo,” dagdag pa niya.
Alex Brosas