Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Billy, inaming nililigawan si Coleen

DID you hear Billy Crawford’s confession on national television?

Binigyang-linaw nito ang lahat ng sa palagay niya eh, binibigyang-kulay ng mga taong nakakakita sa mga araw o gabing nagkakasama sila ni Colleen Garcia.

Nagawa pa rin ni Billy na lumutang ang pagiging gentleman—both to his ex Nikki Gil and his future Colleen.

Hindi nito in-elaborate ang simasabing mga dahilan ng naging paghihiwalay nila ni Nikki-about values and sex.

Basta ang nasabi ni Billy sa pictures nila sa Bacolod ni Colleen, hanggang sa panonood nila ng laro ng basketball in New York, US of A-nanliligaw pa lang siya sa ex ng anak ni Gary Valenciano na si Colleen.

Kaya, wala namang palamdapat na ikagalit pa si Billy sa mga nauna ng items na nailabas na sa kanila ni Colleen dahil noon pa naman eh, lumalabas na sila na mga ka-grupo namang ka-join din.

So, bukod sa Bacolod and New York, malamang na totoo rin ‘yung sinabing sa isang Asian country lang nag-rest noon si Billy at dito niya hinanap ang sarili at hindi sa unang pralala na sa US ‘yun!

Now, nakikita na ang katotohanan. He said na he will pursue Colleen no matter what. Kasi nga raw, may mga pagkakataong umiiwas na rin ito dahil ilang beses ng naparatangang “ahas”!

Pagbigyan ang pagkakagustuhan nila. For sure, Nikki will find the right one for her.

Maja, gagawin ang lahat para sa taong mahal

SA celebrities na nasa relasyon ngayon o pumapasok pa lang sa isa, ito ring si Maja Salvador ang tipong “all mine to give”.

Na gagawin ang lahat para sa taong mahal niya. Na siya ngayon niyang pinatutunayan sa pagtitinginan nila ni Gerald Anderson. Kaya nga ang hashtag daw ng buhay niya for 2014 eh,#believe!

That everything will be all right in all aspects of her life.

Sa malapit nang matunghayang The Legal Wife, ang kabit o other woman ang role na ibinigay kay Maja. ‘Yung mang-aagaw. Nakiki-apid.

At sa isang yugto ng buhay niya sa kahapon—inilagay siya sa sitwasyong ‘yun ng para rin namang nagbirong mga pangyayari.

“Hindi ko kailangang mag-dalawang-isip. Artista ako. Trabaho ito. Tinanggap ko.”

Marami nga raw ang hindi naman talaga nakakakilala sa kanya at nakaaalam sa mga nangyayari sa buhay niya.

Ang mahalaga ngayon—ang #believe hashtag niya eh, nagsisimula ng magbigay sa kanya ng mga kahilingan niya.

Bukod sa sinimulan na nilang habambuhay ni Gerald, isang ‘di paniniwalaang proyekto ang nakatakda na niyang gawin, ang magkaroon ng sarili niyang album!

Simula pa lang daw ‘yan with more surprises in her #believe box!

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …