Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

1000+ deboto nasaktan sa ‘translacion’ ng Nazareno

011014 nazareno 2

011014 nazarenoNAPUNO ng mga deboto ang malapad na Jones Bridge na nag-uugnay sa Intramuros at Binondo nang idaan dito ang translacion ng milagrosong Poong Jesus Nazareno dakong 2:30 ng hapon, kahapon. (BONG SON)

MAHIGIT 1,000 deboto ng Itim na Nazareno ang nasaktan o nasugatan sa taunang prusisyon ng Poon kahapon.

Sa kanyang official Twitter account, sinabi ni Health Assistant Secretary Dr Eric Tayag, ang DoH ay nakatanggap ng 879 pasyente hanggang 2 p.m. Kabilang aniya rito ang “non-procession related” consults.

Sinabi ni Tayag, ilang deboto ang hinimatay habang ang iba ay nagalusan, tumaas ang blood pressure, nabalian at nasugatan.

Aniya, walo katao ang isinugod sa DoH-run hospitals, dalawa rito ang dumanas ng stroke, dalawa ang nanikip ang dibdib, dalawa ang nabalian, isa ang tumaas ang presyon, at isa ang nag-seizure.

Samantala, inihayag ng Philippine Red Cross na 615 pasyente ang kanilang dinaluhan hanggang 2 p.m. kahapon.

Sa 615 pasyente, 359 ang dumanas ng minor injuries, at 252 ang tumaas ang presyon.

Habang apat pasyente ang kinailangan dalhin sa medical facility.

Ang nakayapak na mga deboto ay dumagsa sa Maynila kahapon para lumahok sa “world’s biggest Catholic parades” bilang parangal sa imahe ni Jesus Christ na pinaniniwalaang nagmimilagro.

Naniniwala ang mga Filipino na ang imahe ay milagroso at sa pamamagitan ng paglahok sa prusisyon nang nakayapak, ang kanilang panalangin ay matutugunan.

(LEONARD BASILIO)

17 TRUCK NG BASURA NAKOLEKTA

UMABOT sa 17 truck ng mga basura na iniwan ng mga deboto ng Itim na Nazareno, ang hinakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinimulan dakong umaga kahapon ng MMDA’s Metro Parkways Cleaning Group ang paglilinis sa mga kalsada nang magsimulang umalis ang mga deboto mula sa

Quirino Grandstand, sa pagsisimula ng prusisyon ng imahe ng Nazareno.

Ayon kay Francisco Martinez ng Metro Parkways Cleaning Group, 350 street sweepers ang idineploy para sa paglilinis ng mga kalsada na kabilang sa ruta ng translasyon.

Sinabi ni Martinez, inatasan sila ni MMDA chairman Francisco Tolentino na sundan ang “andas” na bumubuhat sa Nazareno hanggang sa matapos ang prusisyon.

“Hangga’t hindi po ito naihahatid sa Quiapo [Church], susunod po kami. Hindi kami titigil hangga’t hindi naiaakyat sa loob ng Quiapo Church,” aniya.

“Ang instruction sa amin ni Chairman pag-alis ng prusisyon dapat nakabuntot na. Yung inalisan ng prusisyon dapat malinis na po,” aniya pa.

Kabilang sa mga basurang nahakot ang mga plastic, styrofoam cups, paper plates, candy wrappers, at balat ng saging.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …