Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yin Yang Theory

ANG Yin Yang theory ay isa sa pa-ngunahing teorya ng lahat ng sinaunang Chinese schools of thought. Ang traditional Chinese medicine (TCM), ancient martial arts, feng shui, I Ching, at ang bung Taoism cosmology ay pawang base sa dynamics ng Yin and Yang.

Ayon sa teoryang ito, ang lahat ng bagay sa Universe ay kinabibilangan ng dalawang magkataliwas, ngunit mariing interconnected forces – ang Yin (feminine) at Yang (masculine).

Ang interaction ng dalawang feng shui forces na ito ay nagbubuo ng “essence” ng buhay sa paligid natin. Hindi iiral ang isa kung wala ang isa pa, at katulad ng kanilang pagiging taliwas, mariin nilang sinusuportahan at inaaruga ang isa’t isa.

Ang best representation ng harmonious interaction ng Yin and Yang forces ay ang Tai Chi symbol. Ini-express sa feng shui colors, ang Yin, feminine energy ay itim at ang Yang masculine energy ay puti.

Energy-wise, ang Yin ay soft, slow, relaxed, diffused, moist, passive and silent. Ang rhythms at essence ng feminine energy ay inihahalintulad sa “softness” ng tubig, misteryo ng buwan, pagiging itim ng mayamang lupa at katahimikan ng gabi.

Ang Yang ay ini-express nang taliwas sa Yin quality ng enerhiya. Katulad ng maalab na sikat ng araw, pagiging agresibo ng rumaragasang racing cars, pagiging mata-tag at solido ng bundok, at naka-focus na enerhiya ng laser beam.

Ang Yang ay ang “fiery essence” ng araw sa katanghalian at ang Yin ay ang katahimikan at misteryo ng gabi.

Dahil ang inyong tahanan ay nangangailangan ng balanseng feng shui energy upang masuportahan ang inyong kagalingan, mahalagang maunawaan ang aplikasyon ng Yin Yang theory sa praktikal at simpleng level.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …

Salibanda sa Pakil 2026 Sto Niño

Salibanda sa Pakil 2026

SA BISPERAS ng Kapistahan ng Santo Niño, muling ipinagdiwang sa bayan ng Pakil ang Salibanda …