SA pagpasok ng bagong taon ay hindi pa natin alam ang ating magiging kapalaran. May mga bagay na laging nangyayari sa ating pamumuhay—minsan maganda, minsan masama.
Gayon pa man, alam din natin na lagi na lang naghahanap ang mga manloloko ng mga paraan para makapanloko ng kapwa at maniwala sa kanilang mga pambobola na kadalasan ay hitik sa pa-ngako ng magagandang bagay ngunit sa bandang huli ay pawang kabiguan ang napapala ng kanilang naloloko.
Narito ngayon ang ilang mga tip para makaiwas sa mga scam na usong-uso ngayon sa ating lipunan.
1. Magsagawa ng masusing
‘background check’
Kadalasan ang mga manloloko ay mayroong ‘shady’ at ‘hazy’ backgrounds. Alin man sa may pagkukulang na mahalagang aspeto sa kanilang backlog o dili kaya’y napapasagot ng malalabong kasagutan kapag tinatanong ukol sa kanilang nakaraan o lumipas na mga gawain. Ang nakalulungkot nga lang dito ay maging ang mga propesyonal ay ginagawa rin ito at may ugali silang ilahad ang magandang nakaraan na sa ating pandinig ay madalas makatotohanan. Ang tanging paraan para makompirma ito ay siyasa-tin at siyasatin pang muli ang kanilang mga sinasabi mula sa lehitimong mga source, at kasunod nito ay magsagawa ng masusing pag-aaral bago pumasok sa ano mang alok sa inyo.
2. Kung sobrang ganda, malamang na peke ito
Maging maingat sa pagtanggap sa extravagant na imahe na inilalarawan sa inyo ng manloloko. Kung mayroon silang ibinebenta sa inyo, maaaring i-over-sell nila ito at magdaragdag pa ng mapanlinlang na puntos para lamang makombinse kayo. Magkaroon ng sapat na kaalaman sa larangan ng ano mang ini-aalok sa inyo upang makatulong sa pag-hahambing ng magagandang bentahe sa masasamang aspeto ng inaalok sa inyo.
3. Kung libre, malamang
na humantong
na babayaran n’yo rin
Maging alerto ukol sa ano mang bagay na lumilitaw ay lib-re o walang bayad. Walang bagay na libre, at kung ito nga ay gayon, dapat ay ibinigay nila ito nang walang ‘strings attached.’ Laging mayroong package, isang scheme o programa na sinasabi nilang kailangan mag-enrol ka para makamit ang libreng offer. Mag-ingat bago pumasok sa mga shady deal. O mas mainam, huwag na lang mag-venture rito! Laging tandaan, walang bagay na libre!
(Tatapusin bukas)
Kinalap ni Sandra Halina