Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nene hinalay, pinatay ng ex-con

HINALAY muna bago pinatay ang 9-anyos na batang babae na natagpuan sa isang bakanteng lote malapit sa bahay ng suspek na ex-convict, na itinuturong may kagagawan ng krimen, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Marian (real name Crissa Ann Marasigan), Grade 3 pupil, ng Bagong Sikat, Brgy. Sta. Ana, ng lungsod.

Sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP-5) ng Taguig Police, naaresto sa kanyang pinagtatrabahuan ang suspek na si Mario Cruz, 33-anyos, binata, residente rin ng naturang lugar.  Si Cruz ay dating nakulong dahil sa kasong panghahalay.

Sa ulat ng pulisya, sinabi ng ina ng biktimang si Alma, inutusan niya ang anak bago mag 7:00 ng gabi na bumili ng diaper para sa kanyang kapatid na sanggol.

Mag-iisang oras na ay hindi pa bumabalik ang anak na si Marian kaya nagpasya silang hanapin ito.

Nang hindi matagpuan, nagpasya na siyang humingi ng tulong sa mga barangay tanod kung saan tulong-tulong na naghanap sa bata hanggang sa matagpuan ito sa isang bakanteng lote na wala nang buhay sa tapat ng bahay ng suspek na si Cruz.

Wala naman sa loob ng bahay ang suspek kaya nagsagawa na ng manhunt operation ang pulisya na nagresulta sa pagkadakip  kay Cruz.

Sa pulisya itinanggi naman ni Cruz na pinatay niya ang paslit.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …