Friday , November 22 2024

Just Call me Lucky (Part 4)

PAUWI AKO SA CAVITE AY NAMI-MISS KO NA ANG  LUTONG ULAM NI ERMAT

Nanuyo ang lalamunan ko. Bili naman ng softdrinks para pang-alis na rin ng lansa sa bibig at panghugas sa namantikaang kamay. Blurrrp! Sarap matulog sa biyahe nang busog. Paghinto ng bus sa mga pasahero  ay  nakipag-unahan ako sa pagsakay. Bawal ang kukupad-kupad sa rush hour. Swerte, nakaupo ako sa pandalawahan sa kalagitnaan ng bus. Tabi ng bintana ang pwesto ko. Pagkabayad ng pasahe sa kundoktor ay binirahan ko na ng pikit.

Para kong napangarap ang masasarap na putahe ng ulam ni ermat. Tambakol na sinigang sa miso. Kare-kareng hita ng baboy. Chicken curry. Tinolang manok. Patok din sa akin ang ginisang munggo na nilalahukan niya ng maraming dahon ng ampalaya. Nami-miss ko na siya. At miss ko na rin si erpat.

Hinahanap-hanap ko ang madalas na pagba-bonding naming mag-anak.  Noon, nagsisimba kami ni ermat kada-Linggo. Isinasama naman ako ni erpat sa pamamasada niya ng dyip. O kaya ay magkasama kaming namimingwit ng isda sa dagat.  Sayang… nakararami na siguro kami ng huli sa mga oras na ‘yun kung maaga akong nakauwi. Taong-simbahan si ermat kaya pinalaki ako sa mga pangaral at aral ng simba-han. Si erpat ay iba-ibang tao  ang nakasasagupa sa lansangan kaya naging malawak ang kanyang isipan. Mas praktikal ang pananaw niya sa buhay. Marami akong napulot na pilosopiya sa kanya na naging gabay ko  hanggang sa pagbi-binata. Isa roon ang nagpalakas sa karakter ng aking pagkatao.  Aniya, iisa lang daw ang klase ng utot. Mabantot. Ke mayaman o mahirap. Marunong o mangmang. Tinitingala sa lipunan o hamak man.

Lumaki akong ‘di mahiyain pero ‘di naman maibibilang sa kategoryang walanghiya. Mata-sa-mata akong nakikipag-usap maging sino pa man ang makaharap.  ‘Yun ang isa sa mga katangian kong wala sa iba. Na naging malaking kalamangan ko  sa aking mga kabarkada. Lalo na pagdating sa magagandang tsikas, ang ilan kasi sa kanila ay parang manok na tiyope. Nawawala ang gilas at boka.

May nangangantiyaw na kapalmuks daw ako. Hindi nila magawa ang mga kaya kong gawin. Wala kasi silang self-confidence na tulad ko, may lakas ng loob na makipagkilala at makipag-usap sa isang chikababes. Kahit anong oras at saanmang lugar.  (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *