Thursday , January 9 2025

The year that was 2, et cetera

KAHAPON, sinulat natin ang paunang latag sa mga naging kaganapan na nag-iwan ng prominenteng espasyo sa mga pahina ng pambalitaan at pang-showbiz ng iba’t ibang pambansang pahayagan.

Idadagdag natin ang ilan pang kaganapan na hindi natin naisama sa ating pitak kahapon.

Hindi dapat kalimutan ang kontrobersiyang kinasangkutan ng hard-hitting PDI columnist cum radio anchor na si G. Ramon Tulfo, nang pagtulungan siyang kuyugin ng grupong pinangunahan ng movie star na si Claudine Barretto with her husband Raymart Santiago (nu’ng hindi pa sila nagdedemandahan) at mga kasama, sa arrival area ng domestic airport.

Matatandaang, galing sa kanilang Holy Week sojourn ang mga sangkot, si Mr. Tulfo galing Davao, at ang Santiago-Barretto group ay galing naman Boracay.

Ang insidenteng nakatawag sa pansin ng crusading journalist ay ang pagtatalak ng isang babae (na di umano nakilala ni Mr. Tulfo) sa isang staff ng CebuPac, dahil sa hindi napasamang bagahe sa sinakyang eroplano nina Claude.

Umiral ang journalistic instinct ni Mr. Tulfo kaya’t kanyang kinunan sa kanyang cellphone ang nagtatalak na si Claudine na ikinairita naman ng bunsong anak ni Mommy Inday Barretto.

At ang sumunod ay ang walang humpay na pagbugbog na may kasamang tadyak ng grupo ni Claudine sa nag-iisang si Mr. Tulfo.

Ang kaso ay humantong sa korte at nadamay ang tatlo pang mga Tulfo Brothers namely, Ben, Raffy, at Erwin.

And the rest is history na nga, ika nga.

At hindi rin pwedeng balewalain ang sinasabi ng maraming nakasusukang batuhan ng kanilang baho ng mag-anak na Barretto.

Ay sus ginoo, umabot pa sa senaryong itinatatwa ng mga magulang ni Gretchen na siya’y kabilang sa kanilang pamilya.

At humantong pa nga sa kasalukuyang pag-hihiwalay nina Claudine at Raymart, na humantong na nga sa korte.

Masalimoot ang mga pangyayari ng pamilya Barretto na hindi rin naman nalalayo sa buhay ng mga di taga-showbiz na ang iba pa nga’y mas masahol pa.

Oo pala, huwag nating kalimutan ang paghihiwalay ng mga sikat na personalidad na sina Angel Locsin at ang prominenteng manlalaro ng Azkals na si Phil Younghusband.

Simula palang ng kanilang ligawan, lumikha ng kakaibang lagnat ang estilo ng panunuyo ng Pinoy-Briton na si Younghusband, na dinaan pa sa kanyang Twitter account, kaya’t agad na kumalat sa social media.

Presto, nagkarelasyon ang dalawa na mahigpit sinubaybayan ng mga social media fana-tics.

At gaya ng dapat asahan, nauwi rin sa hiwalayan ang dating matamis na ugnayan nina Angel at Phil na nagsasabing maayos naman silang naghiwalay.

At ang isa pang ‘di dapat makalimutan ang pagkalaos bigla ng impostor na si Regine Velasquez aka Norma Calusin Zacarias ng Polilio at Infanta, Quezon.

Biglang-biglang nanghinawa ang publiko nang makasal ang mang-aawit sa kulang-sa-tangkad na si Ogie Olcasid at salamat naman, nagbunga rin ang kanilang kataksilan kay Michelle van Eimeren ng isang anak.

Ang talagang nag-iwan ng malaking bakat sa publiko ay nang biglang umurong ang ‘ginintuang’ tinig daw ni Regine, sa kanyang concert sa The Arena sa MOA.

Yes, Virginia, napaiyak ang alibughang mang-aawit na naatim talikuran ang tunay na mga magulang, nang bigla siyang pumiyok habang inaabot ang mataas na nota habang siya’y kumakanta, hanggang tuluyang umurong ang kanyang boses.

Hanggang ngayon, pinaninindigan nating si Regine Vealsquez ay ang nawawalang si Norma Calusin Zacarias na anak nina Beltran Zacarias at Remedios Calusin, ng Infanta at Polilio, Quezon.

Teka, punta naman tayo sa positibong balita.

Una, ang pagwawagi ng ating kabayang si Megan Young bilang kaunahang Pinay na maputungan ng korona ng Miss World, matapos ang 62 taong pagkatatag nito.

At ang pagkopo ng korona ni Mutya Johanna Datul bilang kaunahang  Miss Supranational ay isa ring malaking balita at karangalan para sa bansa.

At ang latest ang pagkopo ni Bea Rose Santiago sa titulong 2013 Miss International, sa katatapos na kompetisyon na ginanap sa bansang Japan.

Bale pang-limang Miss International na si Bea Rose, mula nang koronahan si Miss Gemma Cruz, Miss International 1964, Miss Aurora Pijuan, Miss International 1970, Miss Melanie Marquez, Miss International 1979, Miss Precious Lara Quigaman, Miss International 2005 at ito ngang si Bea Rose Santiago.

***

Samantala, sinusulat ang pitak na ito, nangunguna raw sa takilya ang pelikulang “My Little Bossings” na tampok ang mga tsikiting na  sina Ryzza Mae Dizon at James Yap Jr., para sa 39th Metro Manila film Festival. At pumapangalawa naman daw ang “Boy, Girl, Bakla, Tomboy” ni Vice Ganda and company.

At gaya ng dapat asahan, ang dalawang pelikula ang matunog na siyang mangunguna sa nasabing pestibal.

Sino-sino kaya ang hahakot ng acting at technical awards sa lahok na walong pelikula?

Mabuhay ang pelikulang Pilipino at suporta-han natin ang industriya ng pelikulang Pinoy.

Isang makabuluhang Bagong Taon sa lahat!

Salamat, Mana Glo!

Art Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

John Estrada Barbie Imperial

John umalma pag-uugnay kay Barbie 

MA at PAni Rommel Placente PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social …

Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap …

Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

BarDa mas may future bilang reel/real tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz. …

Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Pasabog ni direk Darryl patok na patok

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WHETHER we like it or not, marami ang pumapatol sa pasabog na …

Vic Sotto

Vic Sotto ‘di apektado pagkalat ng viral video

I-FLEXni Jun Nardo MASAYANG episode ang handog ng Eat Bulaga sa unang Sabado ng noontime show. Maraming …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *