IPINAALAALA ng Malacañang sa publiko na ipinagbabawal ang sabong, karera at jai-alai sa paggunita sa kabayanihan ni Gat Jose Rizal sa Disyembre 30, alinsunod sa Republic Act 229.
“The law strictly forbids cockfighting, horse racing, and Jai Alai games on this day, with criminal punishment in the form of fines or imprisonment, or both, for any official, citizen, or public or private institution that violates this law,” sabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.
Itinatadhana rin sa batas na lahat ng alklade ay dapat magtatag ng komite na mangangasiwa sa tamang paggunita ng Rizal Day kada taon at inoobliga ang lahat ng instistusyong pribado at pampubliko na ibaba sa half mast ang Philippine flag.
Ang sino mang mahuling lumabag sa RA 229 ay magbabayad ng multa ng hindi hihigit sa P200, makukulong ng hanggang anim na buwan at isang buwan pang suspensyon sa alkalde.
Ilulunsad naman ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office ang isang special page para sa Rizal Monument na nagdiriwang ng centennial year, kasama ang comprehensive essay, archival photo galleries, architectural retrospective, at contextual maps.
(ROSE NOVENARIO)