Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, may nakaabang nang teleserye sa paglabas ng rehab

NAKATSIKAHAN namin ang manager ni JM de Guzman na si Mr.Wheyee Lozada at nabanggit nga niya na malapit nang lumabas sa rehabilitation center ang aktor.

Lumapit sa amin si tito Wheyee at nakipagkilala at naikuwentong, ”ang ganda na ng katawan ngayon ni JM at ang guwapo-guwapo na kaya masaya ako for him, malaki na ang ipinagbago.”

Gusto naman namin si JM dahil magaling na aktor kaya’t naiinis nga kami na dahil daw sa pag-ibig kaya siya na-depress at hindi nakayanan.

Nabanggit ni Tito Wheyee na hindi pa puwedeng lumabas ng rehabilitation center si JM dahil may tinatapos pang programa.

Maski nitong Kapaskuhan ay hindi rin puwedeng umuwi sa bahay nila ang aktor kaya’t ang pamilya niya ang dadalaw sa kanya kasama ang manager.

Dagdag pa ni Tito Wheyee, ”actually, sabi nga ni direk Ruel (Bayani), magpagaling mabuti si JM at may offer siya, hindi ko pa lang alam kung ano. At hindi ko rin alam kung kukunin ulit siya ng Star Magic.”

Noong kasagsagan ng problema ni JM ay hindi siya ini-renew ng Star Magic kaya’t isa pa siguro ito sa nagpababa ng moral sa aktor kaya tuluyan siyang nagkasakit.

Sana magtuloy-tuloy na ang paggaling ni JM para sa 2014 ay mapasama na siya sa mga seryeng bubuksan.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …