SI Marian Something pala ngayon ang tinaguri ang Flopsina Queen.
Kasi naman, hindi kumita ang dalawa niyang movie this year. Below expectations ang box office result ng movies ni Marianing kaya naman super disappointed ang producers niya. Siyempre nga naman, movie producing is a big business at kapag hindi kumita ang pelikula ay talagang nakadadala.
Imagine, sa P70-M budget daw ng Kung Fu Divas ay P30-M lang ang bumalik. Kung true ito ay malaki nga ang pagkalugi.
At dahil diyan ay may bagong moniker na nga si Marian, ang Flopsina Queen.
With that ay sino pa kaya ang susugal kay Marianing para bigyan siya ng movie?
Actually, Marianita is one box office poison.
O, ‘yong mga Marian fans d’yan, magsimula na kayong mam-bash.
GMA, Christmas party for the press, pinaka-cheap
NAKU, buti na lang Maricris at ‘di ka dumalo sa Christmas party for the press ng GMA-7. Tiyak kasing madi-disappoint ka.
Imagine, nagpa-Christmas party pa sila pero ang cheap-cheap naman.
Naroroon ang PR consultant nila na si Butch Racquel at PR head na si Angel Javier. Since nagyoyosi kami, we learned from Lili Marlene na in-announce ni Butch na they have given the P3-M budget for Christmas party for the press sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
And with that ay wala na silang budget for the press kaya naman give na lang sila ng isang ham.
How cheap, ‘di ba?
Actually, magpasalamat sila at polite ang press. Hindi na lang sila kumibo kahit na sila ay Utterly Disapointed.
Ang nakatatawa rito, tinulungan ng GMA-7 ang Yolanda victims na wala naman silang pakinabang pero ang mga press na iniimbita nila ay binalewala nila.
Isn’t that CHEAPER?
Naku, ang isang malaking KASALANAN namin sa aming sarili this year ay ang um-attend ng Christmas party ng network na nagmukhang fifth world station dahil sa walang kasing CHEAP na celebration.
Kung alam lang namin na ‘yun lang ang mapapala namin ay natulog na lang sana kami at hindi na nagpagod sa pagpunta sa network na wala namang masyadong nanonood.
Mar, tumulong na sa biktima ni Yolanda, napasama pa
HANGA kami sa tapang ni Bianca Gonzalez na isapubliko ang kanyang nararamdaman tungkol sa pagkalat ng video nina DILG Secretary Mar Roxas and Tacloban Mayor Alfred Romualdez.
Naging viral ang video ng naging usapan nina Mar at Alfred at halatang edited naman ang video dahil hindi ‘yon complete. It was uploaded para palabasing masama si Mar.
“The Romualdez side should seriously stop spreading the edited video of the Roxas quote. Its not about you guys, its about the people. #hay,” comment ni Bianca.
Kami rin, we feel na desperate itong si Alfred na humingi ng simpatya sa publiko.
Bakit kailangang palabasing masama si Mar, eh, tumulong na nga ‘yung tao sa mga taga-Tacloban? Mabuti sana kung walang ginawang ayuda ang DILG, doon dapat magtatalak si Alfred pero hindi naman ganoon ang senaryo, eh.
And while it was true na he uttered na, “you have to understand that you are a Romualdez and the President is an Aquino”, hindi ang konteksto ng rival family ang ipinupunto niya. What he was driving at ay ayaw palabasin ng gobyerno na nang-aagaw ng kapangyarihan si PNoy. Mahirap bang intindihin ‘yon?
Parang pinalalabas pa sa video na napakasama ni Mar, eh, hindi naman. May masama bang taong pumunta na roon at nagbigay pa ng tulong?
It was disappointing to learn na there are some people in social media na mag-iisip ng hindi maganda kay Mar when all he did was to help the victims of Yolanda.
Alex Brosas