SINUPORTAHAN ni Senadora Grace Poe ang paggamit ng solar enery o enerhiya mula sa sinag ng araw bilang alternatibong mapagkukunan ng koryente.
Ito ay dahilan na rin pahayag ng Meralco na aabot sa mahigit P4 ang ang dagdag singil kada kWh sa mga konsyumer simula ngayon buwan.
Matatandaang inilunsad na rin ng Department of Energy (DOE) ang mga panuntunan at gabay ng National Renewable Energy Board (NREB) para sa mga konsyumer na pumili ng alternatibo at natural na paraan upang mapagkunan ng koryente.
Inihalimbawa rin ng DOE ang paglalagay ng mga solar photovoltaic system o solar panel roof sa mga bahay upang makatipid sa kanilang mga bayarin sa koryente.
Ayon kay Poe, ito ang pinakamabisang paraan para makatipid sa koryente at mabawasan ang pasanin ng mga maybahay o ng bawat pamilya.
Sa kasalukuyan, may kabuuang renewable installation sa bansa na kayang magsuplay ng hanggang 5,521 megawatts na target doblehin ng DOE sa taon 2030. (CYNTHIA MARTIN)