IPINADALA kamakailan ng gobyerno ng Tsina ang kanilang malaking barkong ospital, ang Peace Ark, para magdala ng tulong medikal at teknikal sa mga naging biktima ng napakalakas na bagyong Yolanda na nanalasa kamakailan sa mga probinsiya ng Leyte, Samar, Cebu, Iloilo at Bohol.
Sinabi ng Embassy ng Tsina sa bansa na ang Peace Ark, ang kauna-unahang 10,000 toneladang class barkong ospital, ay nagdala ng 106 medical personnel at 35 toneladang gamit na medikal sa bansa pagdating sa Leyte Gulf. Ang misyon ay nakapaggamot na ng lagpas 112 pasyente.
Bukod sa misyong ito, maraming kompanyang Tsinoy, ang iba ay base dito, pati ang China Red Cross ay nagbigay ng iba’t ibang klase ng tulong tulad ng medikal, pinansyal, gamit at serbisyo para makatulong sa pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo.
Ang Peace Ark ay nagdadala ng modernong mga kagamitan tulad ng 217 typo at 2406 units ng abanseng sistemang medikal kasama ang digital X-ray photographic studio, CT scan na silid, compressed air system, banko ng dugo, oxygen generation at botika. Meron din 300 ward na higaan na naglalaman ng 20 ICU ward, 10 quarantine ward, 109 ward para sa seryosong pinsala, 67 burn ward, at 94 regular ward.
Mayroon din itong tele-medicine diagnose system at tatlong lifts na merong espesyal na espesipikasyon para makapaglipat ng mga nasugatan at maysakit sa barko.