NAKATAKDANG hihmayin ngayong linggo ng Kongreso ang panukalang P2.2-trillion national budget para sa susunod na taon.
Ayon kay House committee on appropriations chair Isidro Ungab, kabilang sa inaasahang matatalakay sa gagawing bicameral conference committee meeting ay ang panukalang pagbuo ng “multi-billion rehabilitation fund” para sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad, katulad ng bagyong Yolanda sa Visayas at 7.2-magnitude quake sa lalawigan ng Bohol at Cebu.
Una nang ipinanukala ng Kamara ang paglaan ng P20-billion fund sa nasabing proyekto habang nais naman ng mga senador na babaan ito.
Bukod dito, tatalakayin din ng mga mambabatas ang proposed P14.6-billion supplemental budget para tustusan ang ginagawang rehabilitasyon sa mga calamity-hit areas.