Wednesday , November 13 2024

ECE stude dumayb sa pool mula sa 24/f lasog

120913_FRONT

PATAY ang 20-anyos college student  matapos tumalon sa swimming pool mula sa sa kanyang inookupahang kwarto sa 24th floor ng Grand Tower II Condominium, Taft Avenue, Malate, Maynila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jethro Mark Pechon, 1st year college sa Technological Institute of the Philippines (TIP), kumukuha ng kursong  Electronics Communication Engineering (ECE), nanunuluyan sa Unit 2423 ng naturang condominium.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Escarlan, ng Manila Police District – Homicide Section, naganap ang insidente dakong  8:55 ng gabi.

“Nakita namin na nakabukas ‘yong steel window sa kuwarto ng biktima at may  upuan malapit dito na hinihinalang dinaanan niya bago  tumalon,” ayon kay Escarlan.

Nabatid na bumagsak ang biktima sa may tatlong talampakan-lalim na swimming pool sa 7th floor ng nasabing condominium.

“Nakaranig ng malakas na lagapak sa tubig ang guwardiyang si  Raymond Aliado, at nakita niyang may  humalong kulay pula sa tubig,” dagdag ni Escarlan.

Isang malalim na sugat ang nakita  sa kanang bahagi ng kilay ng biktima at  nagkabali-bali ang dalawang binti dahil sa lakas ng impact ng kanyang pagbagsak.

Kinilala ang bangkay ni Pechon  ng kanyang roomates na sina  Lauren Quiambao at  Princess Garcia.

Huling nakitang buhay ang biktima  dakong 5:00 pm ng isa pang roomate na si Dominic, bago niya iwanan si Pechon para dumalo sa isang aktibidad sa Adamson University.

Ni LEONARD BASILIO

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *