Thursday , January 9 2025

Bilanggo habambuhay vs aborsyon

PAPATAWAN na nang mas mabigat na parusa ang sino mang magsagawa o masasangkot sa aborsyon.

“Fetuses have been found in garbage cans, thrown and abandoned by their mothers only to be discovered by unknown and concerned citizens and reported by the media,” malungkot na pahayag ni Rep. Amado Bagatsing (5th District, Manila), na siyang may akda ng House Bill 3201.

Nakasaad sa panukala, habambuhay na pagkakakulong ang magiging parusa sa gagamit ng dahas para lamang maipalaglag ang dinadala ng isang buntis, kung wala namang dahas na naganap para maisakatuparan ang aborsyon ngunit walang permiso sa babae, pagkakakulong ng 12 taon hanggang 20 taon ang ipapataw, habang 6 taon hanggang 12 taon ang parusa sa babaeng ginusto talaga ang magpalaglag.

Samantala, isang buwan hanggang anim buwan pagkakakulong naman sa sino mang gumamit ng dahas na naging dahilan upang malaglag ang dinadala ng isang buntis.

“We have to give more flesh to this constitutional right of the unborn.  This bill recognizes the unborn child’s basic right to life and the need to be protected against acts which pose danger to his/her life, bearing in mind that the unborn child is totally incapable of protecting himself/herself,” pagtatapos ni Bagatsing.

(JETHRO  SINOCRUZ)

About hataw tabloid

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *