Friday , November 15 2024

Parole kay ex-Gov. Leviste insulto sa sistema ng katarungan

00 Bulabugin JSY
NANINIWALA ang inyong lingkod na malaking insulto sa sistema ng katarungan sa bansa  ang pagbibigay ng PAROLE kay ex-Gov. Antonio Leviste.

Hindi kaila sa ating lahat ang kontrobersiyal na isyu ng “evasion of sentence” ni Leviste nang mahuli siya sa aktong nakalalabas ng Bilibid at nakapamamasyal sa Binondo at sa ilan pang lugar sa Metro Manila.

Hindi ba’t dahil nga sa pangyayaring ‘yan ay nasibak si dating Gen. Totoy Diokno sa Bureau of Correction (BuCor)?!

Tapos ngayon biglang binigyan ng parole dahil napasilbihan na raw ni Leviste ang minimum penalty nang hatulan siya sa kasong homicide dahil sa pagkakapatay sa kanyang kaibigan na si Rafael Delas Alas.

Marami talagang kagulat-gulat na desisyon ang kasalukuyang  administrasyon.

Pero ang PANALO rito ay ang ‘statement’ ng Malacañang na hindi naman daw kailangan  ng approval ng Presidente para sa parole ni Leviste.

Sabi ni Communications Secretary Sonny Colocoy ‘este’ Coloma, “Naaayon po ‘yun sa batas. Ayon po sa sinangguni kong legal resource, hindi naman kailangan ‘yung presidential action diyan. Ito ay parole process. And the parole board granted the request in accordance with law.”

Sang-ayon tayo sa sinasabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairperson Martin Diño, na ‘yan ay malaking insulto sa justice system ng bansa.

Kung susundan ‘yang basehan nila sa pagbibigay  ng parole kay Leviste, mas marami at may iba pang preso na dapat ay nakalaya at kahit kailan ay hindi dinaya ang sentensiya sa kanila pero nanatili pa rin sa Bilibid kasi hindi sila maimpluwensiya at mapera.

Tsk tsk tsk …

Madam SOJ Leila De Lima, mukhang hindi maganda ang pagtatakda ng ganyang precedent. Hindi lang po ‘DISTORTION’ ‘yan maituturing na ‘may hibo ng katiwalian’ sa sistema ng ating katarungan.

Sabihin natin na hindi tumutol ang pamilya Delas Alas (para wala na lang sigurong gulo at dahil na rin sa pyudal na relasyon nila), pero wasto ba ‘yan sa umiiral na batas ngayon?!

Ibig bang sabihin, hindi man lang nadagdagan ang parusa kay Leviste nang nabistong  ‘pumupuslit’ siya sa Bilibid?!

Hello?! Nasaan ang katarungan SOJ De Lima?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *