Monday , December 23 2024

Parole kay ex-Gov. Leviste insulto sa sistema ng katarungan

00 Bulabugin JSY

NANINIWALA ang inyong lingkod na malaking insulto sa sistema ng katarungan sa bansa  ang pagbibigay ng PAROLE kay ex-Gov. Antonio Leviste.

Hindi kaila sa ating lahat ang kontrobersiyal na isyu ng “evasion of sentence” ni Leviste nang mahuli siya sa aktong nakalalabas ng Bilibid at nakapamamasyal sa Binondo at sa ilan pang lugar sa Metro Manila.

Hindi ba’t dahil nga sa pangyayaring ‘yan ay nasibak si dating Gen. Totoy Diokno sa Bureau of Correction (BuCor)?!

Tapos ngayon biglang binigyan ng parole dahil napasilbihan na raw ni Leviste ang minimum penalty nang hatulan siya sa kasong homicide dahil sa pagkakapatay sa kanyang kaibigan na si Rafael Delas Alas.

Marami talagang kagulat-gulat na desisyon ang kasalukuyang  administrasyon.

Pero ang PANALO rito ay ang ‘statement’ ng Malacañang na hindi naman daw kailangan  ng approval ng Presidente para sa parole ni Leviste.

Sabi ni Communications Secretary Sonny Colocoy ‘este’ Coloma, “Naaayon po ‘yun sa batas. Ayon po sa sinangguni kong legal resource, hindi naman kailangan ‘yung presidential action diyan. Ito ay parole process. And the parole board granted the request in accordance with law.”

Sang-ayon tayo sa sinasabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) chairperson Martin Diño, na ‘yan ay malaking insulto sa justice system ng bansa.

Kung susundan ‘yang basehan nila sa pagbibigay  ng parole kay Leviste, mas marami at may iba pang preso na dapat ay nakalaya at kahit kailan ay hindi dinaya ang sentensiya sa kanila pero nanatili pa rin sa Bilibid kasi hindi sila maimpluwensiya at mapera.

Tsk tsk tsk …

Madam SOJ Leila De Lima, mukhang hindi maganda ang pagtatakda ng ganyang precedent. Hindi lang po ‘DISTORTION’ ‘yan maituturing na ‘may hibo ng katiwalian’ sa sistema ng ating katarungan.

Sabihin natin na hindi tumutol ang pamilya Delas Alas (para wala na lang sigurong gulo at dahil na rin sa pyudal na relasyon nila), pero wasto ba ‘yan sa umiiral na batas ngayon?!

Ibig bang sabihin, hindi man lang nadagdagan ang parusa kay Leviste nang nabistong  ‘pumupuslit’ siya sa Bilibid?!

Hello?! Nasaan ang katarungan SOJ De Lima?!

TAX EXEMPTION KAY MANNY PACQUIAO ‘TOO LATE THE HERO’

RETROACTIVE na, masamang eksampol pa.

‘Yan po ang masasabi natin sa House Bill 3521 na inihain ni Valenzuela City Rep. Magtanggol Guniguni ‘este’ Gunigundo na naglalayong habambuhay na ilibre sa buwis si boxing champ Manny Pacquiao.

Ang tanong ‘e bakit ngayon lang? Bakit kung kailan nahaharap sa kasong P2.2B tax evasion si Manny Pacquaio?

Medyo mapag-iisipan pa natin pumabor nang konti kung noon pa naihain ang panukalang batas na ito. At hindi lang si Pacquiao kundi ang lahat ng mga Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa gaya ng mga artists na sina Charice Pimpengco, Arnel Pineda, Leah Salonga, Paeng Nepomoceno, beauty queens, ang mga Billiard champs natin at kung sino-sino pang Pinoy sa iba’t ibang larangan.

Pero sabi nga, ang isang sukatan ng pagiging mabuting mamamayan ay ang pagbabayad ng tamang buwis.

Paano naman ‘yung mga negosyante na nakapagbibigay ng trabaho sa mga walang trabaho, hindi ba sila dapat bigyan ng tax incentives?!

‘Yan ang problema natin sa ating mga mambabatas at sa mga namumuno sa ating bayan, kapag kaharap na nila ang problema saka lang nag-iisip.

Ay sus!

Congressman Gunigundo, sana rin ginawa ninyo ‘yan noong hindi pa ninyo kasirkulo si Manny … para naman nakikita na in good faith talaga kayo.

‘Yun lang po.

CRYING MONEY MULA SA OFWs

PATULOY na namamayagpag ang kinang ng ‘crying money’ na kinikita ngayon ng ilang ‘tulisan’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals na nag-anyong transport solicitors o representatives.

Alam naman natin na mahirap kitain ang pera sa panahon ngayon. Ngunit ang pinagpapasasaan naman ng ilang tulisan sa transport ay mga kababayan nating domestic helper o overseas Filipino workers (OFWs).

Sonabagan!!!

Sandamakmak na ang sumama sa band wagon ng mga ‘namamalengke’ sa “OFWs transit passenger” na uuwi sa kanilang hometown sa Kabisayaan at Kamindanawan.

Para kumita lamang ng P500 kundi man P1K ay mamumuhunan ka ng kapal ng mukha na kunwari ay tiradang nagmamalasakit sa promding OFWs na tutulungan mong makakuha ng plane ticket para kaagad makauwi ng kanilang probinsiya.

Ang hindi alam ng pobreng OFW ay ipagkakanulo na sila sa travel agency na ‘tataga’ sa kanila ng malaking ‘patong’ kompara sa halaga ng tiket na mabibili sa airline ticketing office na napakalapit din lamang sa terminal na kanilang kinaroroonan.

May patong na mula P5K hanggang P8K ang bawat plane ticket na nabibili ng mga nalolokong  OFWs.

Wala bang gagawing aksyon ang NAIA Terminal Managers at action officers sa isyung ito?

O tutunganga na lang kayo sa pagwawalanghiya sa mga OFWs!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *