Monday , December 23 2024

Pasay City council natanggalan ng ‘helmet’ sa ulo?! (Pera na naging bato pa)

00 Bulabugin JSY
MUKHANG biglang nagising sa katotohanan ang miyembro ng KONSEHO ng Lungsod ng Pasay.

Sabi nga, 360 degree ang pagbawing ginawa ng Konseho sa kasunduan na pumapayag silang i-reclaim at i-develop ng SM Land Inc., (SMLI) ang 300 hectares ng Manila Bay sa halagang P54.5 bilyones.

Kumbaga biglang natanggalan ng ‘HELMET’ sa ulo ang KONSEHO kaya napag-isip-isip nilang bawiin ang naunang tatlong resolusyon na pumapabor sa proposal at joint venture agreement ng SMLI at ng Pasay City government na nilagdaan ng nasabing kompanya at ni Mayor Antonino Calixto.

Ayon kay Konsehal Allan Panaligan, idinahilan ng Konseho sa kanilang pagbawi na mayroong kakulangan sa proseso na pinagmulan ng tila pagdadamot ng impormasyon at oportunidad  sa iba pang bidders.

Aniya, nais iwasto ng Konseho ang ano mang pagkakamali o pagkukulang na ipinupunto ng iba pang bidders gaya ng Ayala Land Inc., at S&P Construction Technology.

Kailangan umanong gawin ito upang maiwasan ang mga potensiyal na kaso sa hinaharap.

Bukod d’yan, napansin ni Panaligan na ang mga dokumentong isinumite ng city executives sa Konseho ay kulang ang detalye hinggil sa reclamation plan.

Bilang chairman ng committee on land use, dapat umano ay kasama siya sa PPP-SC pero hindi man lang siya inimbita.

Well said Councilor Allan Panaligan.

Pero sandali may sinasabi ang spokesperson ng SMLI …

Ansabe ni Severo Madrona (ay mali, PPP-SC vice chairman pala siya, hindi spokesperson ng SMLI) sa text message sa mga reporter … “still valid and subsisting” pa rin daw ang joint  venture agreement lalo’t naisumite na sa Philippine Reclamation Authority (PRA).

Dagdag ni Madrona, “The rights of SM Land Inc., are violated in the one-sided public hearings. SM Land was never invited.”

Sino ang ipinagtatanggol mo Mr. Madrona, ang mamamayan ng Pasay City o ang SOP ‘este o ang interes ng SMLI?!

Tsk tsk tsk …

Mukhang hindi lang Biogesic ang dapat inumin ngayon dito ni Mayor Tony Cashlixto ‘este’ Calixto, mukhang kailangan niya nang mas matinding pantanggal ng sakit ng ulo.

‘E kasi naman bakit wala kayong tamang ‘DEKLARASYON sa konseho?’

Paano na ang SOP n’yan?! Baka magkasolian pa ng goodwill money d’yan?

Tama ba ako Pasay Bagman Mr. Bing Lintekson!?

Aabangan po natin ang mga susunod na development sa usaping ito …

Pansamantala, binabati natin ang KONSEHO ng Pasay sa kanilang (pansamantalang ) PAGKAGISING din?!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *