PINAGPAPALIWANAG ng Supreme Court (SC) ang dating abogado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Lorna Kapunan kaugnay sa naging pahayag na may isang corrupt na mahistrado.
Kaugnay nito, binigyan ng SC en banc ng 10 araw si Kapunan para magpaliwanag sa binitawan niyang salita sa isang interview hinggil sa kanyang nalalaman sa katiwalian sa hudikatura.
Batay sa resolusyon na nilagdaan ni Clerk of Court Enriqueta Vidal, nagdesisyon ang en banc na maglabas ng “moto propio order” kahit walang reklamo o petisyon at judicial notice lamang sa panayam ang pinagbatayan.
Nagalit aniya ang mga mahistrado sa pahayag ni Kapunan na may mahistrado sa Supreme Court (SC) ang tumatanggap ng bayad, at sa pahayag na sa Court of Appeals (CA) ay may katumbas na halaga ang pagpapalabas ng restraining order.
(BETH JULIAN)