NAKAKASA na ang gagawing transport holiday ngayong araw ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) kapag hindi natugunan ang kanilang hiling na dagdag pasahe.
Banta ni ACTO President Efren de Luna, magsasagawa sila ng kilos protesta upang iparating sa gobyerno ang matinding pagtutol sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng diesel.
Hiling ng ACTO ang P2.00 dagdag pasahe sa pampasaherong jeep o maging P10 ang minimum fare.
Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Gines, walang magaganap na taas pasahe ngayong taon. (HNT)