UMAKYAT pa sa 5,719 nitong
Miyerkoles ang bilang ng mga
namatay kay bagyong Yolanda,
ayon sa National Disaster Risk
Reduction and Management
Council.
Sa update kahapon dakong
6 a.m., sinabi ng NDRRMC na
26,233 ang nasugatan samantalang
1,779 ang nawawala.
Nasa 873,434 naman ang
bilang ng mga pamilyang
nawalan ng tahanan o 4,022,868
katao.
Nasa 2,380,019 naman ang
bilang ng pamilyang apektado
o 11,260,069 katao mula sa
12,095 barangay.
Sa mga apektado, 22,274
pamilya o 96,474 katao ang
nasa 433 evacuation centers.
Tumaas din ang bilang ng
nawasak na mga bahay sa
598,815, at ang napinsala ay
nasa 611,364.
Ang halaga naman ng pinsala
ni Yolanda ay nasa
P34,366,518,530.67, kabilang
ang P17,333,367,534.29 sa imprastraktura
at
P17,033,150,996.38 sa agrikultura.
(HNT